KAKATAPOS lang maghugas ng pinggan na pinagkainan ni Amia ngayong umaga ng marinig niya ang tunog ng doorbell ng kanilang bahay. Bago niya tuluyang buksan ang pinto ay inalala niya kung ano ang petsa ngayong araw, ika-16 ng buwan. Ngayon nga ito magpapadala sa kanya.
Gaya ng nakalipas na dalawang taon, wala siyang nakitang tao nang buksan niya ang pinto. Bumaba ang tingin niya sa isang medium-sized na kahon na siyang naiwan sa labas ng bahay niya.
"Ba't medyo malaki siya ngayon? Sa akin ba talaga 'to?"
Tiningnan niya ang nakasulat sa box, 'To: Amia Illian Fernandes. Advanced happy 18th birthday, From: ALY'
Napangiti siya sa simpleng bati sa kanya ng benefactor niya sa pag-aaral. Kahit na sa susunod pa na buwan ang kanyang kaarawan ay ito ang unang taong bumabati sa kanya ng walang palya sa loob ng dalawang taon na naging scholar siya nito.
Sinubukan niyang dalhin papasok ang kahon kaso medyo mabigat kaya binalik niya ulit ito sa sahig.
"Paano kita maipapasok sa loob ngayon?"
May narinig siyang kaluskos sa bandang harapan ng bahay at medyo mahinang boses na parang nag-uusap.
"Let go of me. Nahihirapan siya, kailangan ko siyang tulungan."
"Dito ka lang, hindi ka pa niya pwedeng makilala."
"Hindi niya kayang dalhin ang kahon. What do you expect me to do? Watch the girl I love suffer?"
"Masisira lahat ng plano mo pag magpakita ka sa kanya ngayon. Gusto mo ba iyon?"
Wala na siyang narinig na sagot at ingay kaya naglakad siya patungong may gate nila at bubuksan na sana niya ito ng...
"Ugh! Harder baby! Faster! Aahh!"
"What the hell are you doing?!"
"Shut up. Papunta na siya dito, we need to stop her... Ughh! That's it! Harder and deeper! Ugh!"
Hindi na niya tinuloy na tingnan kung sino ang nasa labas dahil sa narinig na ingay.
"Ang aga naman ng renovation ng kapit-bahay ko. Akala ko sa susunod pa na linggo iyon. Naghuhukay na ata sila ng lupa, may narinig kasi akong deeper at harder eh."
Napapailing siya na bumalik sa kanyang bahay at tinulak na lang niya papasok ang kahon.
NAPATINGIN ang dalawang lalaki sa pigura ng babae na pumasok na ng bahay.
"That was close."
"Dude, sobrang nakakahiya ng ginawa ko tapos iisipin niya lang na naghuhukay lang ako ng lupa, hindi ba niya inisip na gumagawa ako ng kababalaghan? She's really different."
"And. She's. Mine. Don't you dare like her. Kahit kaibigan kita, may magagawa akong masama sa iyo pag magkagusto ka sa kanya."
"What the! Sinabi ko lang na kakaiba siya gusto ko na agad? I don't like the innocent and pure type, I like girls that are hot and wild."
"Mabuti at nagkakaintindihan tayo."
"Hindi kita aagawan, okay? Kung kailan ka tumanda mas naging seloso ka pa."
"Gusto mong masaktan, Trey?"
"Pero sabi ko nga na age doesn't matter. Bagay na bagay talaga kayo. Ako nga ang number one fan ng loveteam niyo, Go! Ymia!"

BINABASA MO ANG
Her Sugar Daddy
Roman d'amourYrex Sarmiento Volkov loves a girl who's 12 years younger than him. Wala siyang pakialam kung husgahan siya ng ibang tao, mas pagtutuonan niya ng pansin kung paano niya maihaharap sa altar ng simbahan ang babaeng mahal niya.