Chapter 28

1.1K 21 0
                                    


Without hesitation, he pulled the gun hidden on his waist then pointed it directly on Amia's direction.



"I'm sorry...but could you please cover your ears and close your eyes, sorellina."



Alam niyang naguguluhan ito kung ano bang gagawin niya pero sinunod nito ang sinabi niya.



He fired his gun on the man approaching Amia from behind. 



"HEY! WHY THE HELL ARE YOU SHOOTING ME EIND?!"



"That voice is familiar. Is that my husband, kuya?"



"Yes, but please continue to cover your ears. I just need to settle some things with him. Stay here okay?"





Binuksan na niya ang kanyang mga mata pero nanatiling nakatakip pa din ang kanyang mga kamay sa tenga niya.



Pinagmasdan niya ang kanyang kuya na may hawak na baril habang hinahabol ang asawa na papunta sa dalampasigan. Gusto sana niyang umawat pero pinili na lang niyang maupo sa gilid ng pool at ibinabad ang kanyang mga paa sa tubig, buntis siya at ayaw niyang mapagod kaya hihintayin na lang niyang matapos sa paghahabulan ang dalawa.



Tumingin sa gawi niya ang asawa at nakangiting kumaway habang tumatakbo pa din, kinawayan niya ito pabalik at natawa siya nang kumaripas ito ng takbo dahil muntik na itong abutan ng kapatid. 



"I heard a gunshot coming from here. Where's the intruder?!"



Muntik na siyang mapasigaw sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ng mga kasama niya. May hawak na baril si Trey at nasa likod naman nito ang kaibigan na nagtatago.



"Huwag kang mag-alala, kuya Trey. Si kuya Eind lang iyon."



"Si Eind? Bakit at sino ang pinaputukan niya ng baril?"



"Nalaman niya po kasing buntis ako kaya ngayon hinahabol niya ang asawa ko."



"BUNTIS KA?!!"



Napatakip ulit siya ng kanyang tenga ng sabay na sumigaw si Femi at Trey.


Her Sugar Daddy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon