Chapter 5: Worried

4.6K 197 4
                                    

"Hi, Lady Lysithea! I will give the instruction first to your older brother for his lesson and I will be back to you, is that fine?" Nakangiting pagbibigay-instruction ni Master Ace kay Lysithea. 

Tumungo naman si Lysithea bilang sagot. 

"Lil' sis! Remember what I told you? Just call me!" Nakangising salita naman ni Luca kay Lysithea. 

Nakangiting tumungo si Lysithea at ng makita ni Luca ang sagot ng kapatid niya kontentong umupo ito sa isa sa mga upuan sa library.

Nagsimula na sila Luca at Master Ace sa pag-aaral nila habang si Lysithea ay naiwan sa sofa.

Her Mama Baroness is already in her study room to handle some papers about their household kaya naiwan na lang sila Lysithea sa Library.

Inikot ni Lysithea ang mata niya.

Hindi ito ang first time niyang makapunta sa library dahil minsan na niyang pinilit ang Nana Eliz niya na puntahan ang Library para malaman niya kung may mapapakinabangan siya sa Library.

And just like what she expected, marami ngang mga libro na pwedi niyang pagkuhaan ng impormasyon.

As expected to a noble's library.

Hindi sinayang ni Lysithea ang oras at agad tinignan ang mga libro na maabot ng mata niya.

Napatingin naman si Lysithea sa isang libro na mayroong larawan ng halaman at binasa ang title.

Napangisi naman si Lysithea sa nabasa niya.

That will do.

Patuloy parin sa pagtingin si Lysithea sa maari niyang mabasa sa harap ni Master Ace ng hindi masabihan na monster baby.

Matapos ang ilang sandali siya naman ang kinausap ni Master Ace.

"Hi Lady Lysithea, nainip ba kita?" Nakangiti paring tanong ni Master Ace sa kanya.

Nag senyas lamang siya ng hindi bilang sagot.

Tumungo-tungo lang si Master Ace sa reaksyon niya.

"Alright, before we start our study. I will give a test to our young lady. You know what a test is right?" Tanong ni Master Ace.

"Yes, I know what it is." Sagot niya.

"Okay! The young lady must read this and it's okay if the young lady did not know how to read it. Master Ace will help you." Sabi ni Master Ace at binigay sa kanya ang isang papel.

Tinignan naman niya ang nasa papel at nakita niyang nakasulat dito ang mga basic words.

Bago magbasa si Lysithea napansin niyang nakatingin si Luca sa kanya kaya napatingin siya kay Luca.

Nang mapansin niyang nakatingin si Lysithea sa kanya bumulong ito ng "You can do it".

Napatingin naman si Master Ace sa kanilang dalawa at sinuway si Luca.

Napangiti na lang si Lysithea.

Her brother is really mischievous and cute.

"You can start now young lady" Pag sensya ni Master Ace sa kanya.

Binasa naman ng dahan-dahan ni Lysithea at paminsan-minsan ay sinasadya niyang magkamali.

Nang matapos niya ito nakarinig agad siya ng palakpak.

"Hah! Our cute little sister is a genius!" May bahid na pagyayabang ni Luca na mukhang nakikinig sa kanila.

"Very good Lady Lysithea. Your parents don't lie to me. For a 3-year-old to read like this, our young lady is indeed a genius and listens well. I just hope Lord Luca listens well too" Pagpapaarinig ni Master Ace at pinandilatan ng mata si Luca na hindi naka-focus sa gawain na binigay sa kanya.

My Life Inside The Novel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon