Chapter 4

67 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Okay lang yan, Teng. May next time pa naman" pampalubag-loob sa akin ni Axel habang narito kami sa tambayan namin.

Koprahan ito ng pamilya nina Axel. Dito kami tumatambay minsan pag wala kaming ginagawa. Mayroon kasing papag dito na yari sa kayawan at nalililiman ng puno ng mangga.

"P-pero sayang yun. Pati si Nanay malulungkot pag nalaman niya" dahil kasi sa mga sugat at pasa na natamo ko ay hindi na ako ang ipapapadala sa bayan para magrepresent ng school namin. Pumili na sila ng iba at ngayon nga ay ang pinsan kong si Trina na ang pambato namin.

"Tsk. Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat? Simula sanggol ka pa lang, may hagdan na sa bahay nyo ah. Bakit nahuhulog ka pa rin" napaiwas na lang ako ng tingin sa sinabi nya.

Yun kasi ang alam ng lahat na dahilan kung bakit bungi ang ngipin ko at punong puno ako ng sugat at pasa sa katawan. Mas magaling nang isipin nilang lampa ako kaysa magkagulo pa ang pamilya ko.

Sinapo niya ang baba ko at pilit na pinaharap ako sa kanya. "May hindi ka ba sinasabi sa akin, Athena?" Seryosong tanong niya.

Pabirong hinampas ko ang kamay niya at saka pinunasan ang luha ko. "Ano namang ililihim ko sayo?"

Nagkibit balikat siya at saka sumubo ng kalumpit na paborito naming kainin pag narito kami. "Baka kaya ka nahulog dahil tinulak ka ni Katrina"

Dahil sa sinabi niya ay binato ko siya ng kalumpit. "Wag mo ngang pag-isipan ng masama yung pinsan ko. Hindi niya magagawa yun" nakangusong sabi ko.

"O di kaya .. pinalo ka na naman ng Tito mo" natigilan ako at agad na umayos ng upo.

"B-bakit mo naman naisip yan?" Nakayukong sabi ko habang pinaglalaruan ang necktie ko.

"Kilala kita, Teng. Alam kong mayroon kang hindi sinasabi sa akin. Hindi kita pipilitin pero sana wag mong sarilinin. Kaya ka nga may kaibigan e, para damayan ka" muli akong naiyak sa sinabi niya. Kung ganito siya lagi sa akin, mas mahihirapan ako pag umalis siya.

"Kung makapagsalita ka, parang hindi mo ako iiwan ah" biro ko sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin at napakamot sa ulo niya.

"Kung ako lang, Teng. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo. Pero wala e .. kailangan talaga. Hindi ko naman pwedeng suwayin yung mga nagpapa-aral at nagpapalamon sa akin" bakas ang guiltiness sa boses niya. Huminga ako ng malalim at umipod palapit sa kanya. Sumandal ako sa balikat niya at saka naman siya umakbay sa akin.

"Sana tumigil yung oras" mahinang sabi ko at saka ipinikit ang mga mata.

"Bakit? Ayaw mo bang lumaki? Ayaw mo bang magdalaga? Ayaw mo bang makatapos mag-aral, makapagtrabaho at kumita ng sariling pera?"

"Gusto .. pero hindi pa ako handa. Ngayon ngang bata pa ako, nararanasan ko na yung kalupitan ng buhay .. ano pa kaya pag lumaki na ako?" Hindi ko na napigilan ang mapaiyak muli.

"Tsk. Masyado kang advance mag-isip.  Dapat multiplication table pa lang ang problema natin ah!" Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya at natawa. Naalala ko kasi na napalabas siya kanina ng Math teacher namin dahil hanggang ngayon ay hindi pa nya saulo ang multiplication table.

"Kung magkakaboyfriend talaga ako, sisiguraduhin kong halimaw sa Math" natatawang sabi ko kaya napasimangot siya.

Tumayo siya sa pwesto niya at nagpalingon lingon "Nasaan na ba yung pamalo ko?" Inis na sabi nya kaya lalo akong natawa.

"Tsk. Di ka pa nga nireregla, boyfriend na yung nasa isip mo!" Napangiwi ako sa sinabi niya at agad na namula ang pisngi.

"Ang bastos mo!" Pinagbabato ko siya ng kalumpit. Tatawa-tawang tumakbo naman siya kaya hinabol ko siya. At dahil nga masakit pa ang paa ko ay nadapa ulit ako.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon