Athena Katherine's
First try - I failed.
Second try - I got the 'Face of Binibini' Award
Third try - I made it to the top 15 and got the 'Miss Photogenic' award.
Fourth try - I was declared as the second runner-up.
It was never an easy battle. It was full of triumphs, hardships, and uncertainties. I even gave up my work as a TV anchor just to focus on this journey.
Minsan, napapatanong na lang ako sa sarili ko kung worth it pa ba .. Kung may patutunguhan pa ba .. O panahon na siguro para umayaw na.
Yung mga kaibigan ko, namamayagpag na sa mga propesyong pinili nila. Si Axel, may anak na tapos nasa Canada na ngayon at doon nagpapatuloy sa buhay .. si Andrea, iniwan na ako dahil may magandang opportunity para sa kanya sa London .. si Kaycee, nagtuturo na sa isang magandang university .. si Jerick, pulis na tapos ang alam ko, pinaprocess na rin niya ang pagtutuloy bilang NBI agent .. si Lynard, nasa residency training na for Psychiatry.. si Hans, nasa New York na .. at syempre si Miguel, CPA na at patuloy pa rin sa pagpapalago ng mga businesses nila.
Samantalang ako, narito pa rin .. wala pang masyadong napapatunayan at nararating. Minsan, naiisip ko .. dapat pala hindi ko na lang isinuko yung trabaho ko noon. Siguro, may kinalalagyan na ako ngayon sa news industry.
Minsan, habang walang mga pageant ay sa modeling ko ibinubuhos ang atensyon ko para kumita. Ayos naman .. pero hindi ako masaya. Tuwing gabi, napapaisip na lang akong .. hanggang dito na lang ba ako?
Naalala ko noon .. nagdedisyon akong ituloy ang pangarap ko para maging proud sa akin si Nanay .. pero baka ngayon, hindi na siya proud dahil ilang beses ko na siyang binigo.
I'm turning 26 next year .. may kaunting panahon pang natitira para patunayan ko ang sarili ko .. pero bakit ganun? Wala na yung drive ko. Wala na yung eagerness kong sumali ulit.
Akala ko, yun na yun e .. pasok ako sa Top 10 and then .. bigla akong tinawag as second runner up. May korona nga .. talo pa rin naman.
Naramdaman kong may tumabi sa akin at yumakap mula sa likod ko. Pasimpleng pinunasan ko ang mga luha ko at mas ibinaon ang mukha sa unan. Suot ko pa rin ang gown ko mula sa competition kanina.
"Babe, hindi ka kakain?" Malambing na tanong ni Miguel habang hinahalik-halikan ang balikat ko kaya kahit anong pilit kong itago ang mga hagulhol ko ay kusa iyong umaalpas mula sa bibig ko.
"Shush .. it's okay, my baby. Super proud pa rin ako sayo" pilit niya akong pinapaharap sa kanya pero nanatiling nakasubsob ako sa unan.
Ano bang mali sa'kin? I did my best. Halos hindi na nga ako kumakain dahil ayokong mag gain ng weight. Halos sa gym na ako tumatambay para mag work out .. and kahit wala akong practice ay pumupunta pa rin ako sa studio para praktisin ang lakad ko.
Minsan nga, hindi ko na naaasikaso si Miguel dahil nakafocus ako sa pagpapractice. I was so obsessed in winning dahil gusto ko nang may maipagmalaki ako sa sarili ko.
"Love, look at me please" pakiusap niya pero ayoko pa rin siyang harapin. Nahihiya ako sa kanya dahil ang laki ng pagkukulang ko bilang partner niya. Hindi ko na nga siya naaalagaan at naaasikaso, hindi ko na rin naibibigay ang mga pangangailangan niya. Wow! Hanggang kailan ako magiging failure?
Bumangon ako at humarap sa kanya. Nagulat naman siya nung nakitang seryoso ang mukha ko kaya nagtatakang bumangon din siya at tangkang sasapuhin ang mukha ko pero umiwas ako. "Magbreak na tayo, Miguel" mahina at hindi nakatinging sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...