Athena Katherine's
Seryoso ang mukha.
Nakakunot ang noo.
Naglapat ang mga labi.
Nakasuot ng makapal na salamin.
Nakahalumbaba ako habang nakatingin kay Miguel na busy sa pag-aaral. Narito kami ngayon sa study area ng department namin. Katatapos lang namin maglunch at hindi ko siya makausap dahil hinawakan niya na agad ang mga books niya pagkaligpit namin ng kinainan namin.
Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapaalam sa kanya tungkol sa plano kong sa Manila mag-OJT.
Sabi kasi nina Kuya Lloyd na mas maganda daw doon dahil maraming malalaking broadcasting companies doon na tiyak na makakatulong sa aking linangin ang kakayahan ko. Baka daw pag sinwerte pa ako ay makatisod ako doon ng magandang oportunidad na siguradong pagkagraduate ko ay magkakatrabaho agad ako.
Ganun kasi ang nangyari sa kanya. Pagkagraduate niya last March lang ay may nakaabang na agad trabaho para sa kanya. Kaya nga pinapaayos na niya sa akin ang mga papers ko kahit na sa second sem pa naman kami nakatakdang mag-OJT. Sabagay .. two months from now na rin yun.
Sa kasalukuyan ay 4th year na kami. Graduating na .. pero si Miguel ay may isang taon pa. Kaya nga nagdadalawang isip din ako .. na if ever swertehin ako doon, at kung doon man ako magkakatrabaho, ibig sabihin ay doon ko kailangang manatili. Magkakalayo kami.
"Babe?" Subok na tawag ko sa kanya. Agad na nag-angat naman siya ng tingin at nginitian ako.
"Po?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumayo sa pwesto ko. Umupo ako sa tabi niya .. agad naman niyang sinara ang librong hawak at saka hinawakan ang kamay ko.
"May sasabihin ako. Wag kang magagalit" alanganing sabi ko kaya nangunot ang noo niya.
"Ano ba yun?"
Nagyuko ako ng ulo para makaiwas ng tingin pero hinawakan niya lang ang mukha ko at pilit na pinatingin sa kanya kaya napanguso na lang ako. Natawa naman siya at pinisil ang ilong ko. "Ano nga yun, babe?"
Napabuntong hininga ako at napakamot sa ulo ko. "D-diba mag-oOJT na kami sa second sem?"
"Ahuh?"
"N-naisip ko kasing sa Manila mag-OJT. Marami daw kasing magagandang opportunities doon .. pero kung di ka naman papayag pwedeng dito na lang ako" meron din naman kasing maliit na broadcasting company dito sa'min .. yun nga lang, hindi ako masyadong makakapag-explore.
Kumunot muli ang noo niya. "Bakit mo naman naisip na hindi ako papayag?"
"Kasi kailangan kong mag-stay dun ng mga ilang buwan .. magkakahiwalay tayo" di naman biro ang pamasahe kung mag-uuwian ako. At sayang din yun sa oras.
Sinapo niya ang mukha ko at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "But it's for your own good. Magaganda ang mga opportunities doon .. bakit ko naman ipagkakait sayo yun?"
Napatingin ako sa mga mata niya. Wala akong mabasang pagkontra o pag-alma doon. "Okay lang sayong magkahiwalay tayo"
"Syempre hindi. Magkakalayo lang .. hindi magkakahiwalay. Magkaiba yun"
"So okay lang sayong magkalayo tayo?"
Tumaas ang kilay niya. "Bakit? Di ka na ba uuwi? Saka pwede naman kitang puntahan dun pag may free time ako. Anyway, may matitirahan ka na ba dun? Gusto mo hanap na tayo sa Saturday?" Nakatanga lang ako sa kanya habang naglilitanya siya at nagbibilin sa akin ng mga kung ano-ano. Pati nga groceries, laundry daw at kung ano-ano pang mga pinagsasasabi niya .. kinakabahan pa naman ako kanina dahil akala ko ay hindi siya papayag.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...