Athena Katherine's
"Magdress ka na nga lang kasi!"
Pamimilit sa akin ni Ate Bell habang pinilit na inaabot sa akin ang damit na binili daw niya para sa akin.
Kahapon pagkatapos ng enrollment ay nakita ko na lang ang mga damit na iyon sa kama ko. Hindi na daw kasi nakapaghintay si Ate Bell at mag-isa na siyang nagpunta sa tiangge para ibili ako ng mga damit. Dumating daw kasi yung kapatid ni Tita Angela kahapon kaya may ibang nagbantay sa mga bata kaya nakapagliwaliw siya.
"Ate Bell, sa simbahan po ang punta ko saka sa palengke" gusto ko kasing magsimba ngayon dahil birthday ni Nanay. Ito ang unang birthday niya na hindi kami magkasama. Kanina ay tumawag na ako sa kanya at masaya niyang ibinalita na nakabili na rin siya ng sarili niyang phone.
"E ano naman? Bawal bang umawra sa simbahan at palengke? Saka hindi naman revealing to ah!" Depensa pa niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko noong inagaw niya sa akin ang pantalon at malaking t-shirt na isusuot ko sana.
"Wag kang aalis ng nakapantalon ha!" Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata bago ako itulak papasok sa CR nung kambal.
Wala na rin akong nagawa kundi suotin ang dress na binigay niya. Actually, maganda yun at hanggang sa may taas ng tuhod ang haba. Flowy dress siya at may manggas din.
"Ay ang ganda!" Tili ni Ate Bell noong nakita akong lumabas ng banyo. Dali-dali niyang hinigit ako at pinaupo sa kama ni Amara. Kumuha siya ng blower at inayos ang buhok ko.
"Ate naman e. Di nga po ako sanay magsuot ng ganito"
"Aba kung ganyan lang ang katawan ko, saka kung ganyan lang akong kaganda .. hindi mo ako makikitang nakapantalon at t-shirt. Lagi akong naka miniskirt at sleeveless"
Umismid na lang ako at napairap "Para ano? Para pagpyestahan ng mga manyakis?"
"Kaya ka ba nagbabalot ng katawan?" Napatango na lang ako sa tanong niya.
"Naku .. wag mong baguhin ang sarili mo para sa kanila. May karapatan ang mga babaeng isuot ang gusto nilang isuot. Ano, tayo na lang lagi ang mag-aadjust?"
"Mas magaling na rin po ang umiwas at nag-iingat"
"Tsk. Bakit? Ang dami kong nababalitaang nagagahasa na maayos naman ang mga suot. Wala yun sa pananamit. Kung manyak ang isang lalaki .. manyak talaga" inis na inis na sabi niya at pagkatapos ay mukha ko naman ang ginawa niyang coloring book. Nanahimik na lang ako at pinabayaan na siya.
"Ate, baka mukha na po akong clown ha. Papaalala ko lang po, sa palengke ako pupunta at mamimili ng mga gagamitin ko sa school" napatingin ako sa kambal na kasama rin namin dito sa kwarto. Natawa na lang ako noong nakita kong ginagaya rin nila ang ginagawa sa akin ni Ate Bell. Ang kucute!
"Tingnan mo, makakatawad ka pa dahil sa ganda mo" humagikhik pa siya kaya napailing na lang ako.
Humarap ako sa salamin matapos niya akong ayusan at hindi ko maiwasang mapangiti. Lipgloss lang ang nilagay ni Ate Bell sa labi ko at kaunting blush on sa pisngi. Nakaladlad lang ang mahaba kong buhok at inayos niya lang ang pagkakakulot ng dulo noon.
Ang huling beses na nag-ayos ako ay nung grade 6 pa lang ako. Nakakapanibago tuloy ang hitsura ko. Mukha na akong tao.
"Hiramin mo na din muna itong doll shoes ko oh. Bagay ito sa damit mo" inilagay niya iyon sa may paanan ko kaya sinuot ko naman. Kasyang kasya na parang isinukat.
"Thank you, Ate Bell" nakangiting sabi ko sa kanya. Kumindat lang naman siya at saka pinisil ang pisngi ko.
"Naku! Noong bata pa lang ako, pangarap ko talagang magkaroon ng manika. Kaya nga ang saya ko ngayong nandito ka e. Hindi ko naman kasi maayusan ng ganito yung mga bata dahil baka pagalitan ako ni Sir" humagikhik ulit siya na parang tuwang-tuwa sa ayos ko.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...