Athena Katherine's
"Nay kamusta na po ang kaso ni Tiyo Gado?"
Tanong ko kay Nanay habang nakaupo kami sa ibabaw ng kama at sinusuklayan niya ulit ako.
Kanina, pagkatapos ng pageant ay kumain ulit kami kasama ang barkada pati na rin si Tita Venus. This time ay si Miguel ang sumagot ng lahat. Mukha namang wala lang yun kay Tita Venus at tinanong pa niya kung may pera pang natitira si Miguel.
"Naku matagal na pala yung tinitiktikan, anak. Marami na ang nagreklamo pero dahil may kaibigan siya sa pulisya ay hindi naitutuloy ang demanda. Buti na lang talaga at parang umayon sa atin ang lahat. Marami ang nagkalakas ng loob para kalabanin siya. Sigurado akong mahihirapan siyang malusutan 'to"
"Okay lang po yun sa inyo? Di'ba po kapatid ninyo si Tiyo?" Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "K-kaya nga po hindi agad ako nakapagsumbong sa inyo dahil natatakot akong mag-away kayong magkapatid at masira ang pamilya natin"
Hinawakan ni Nanay ang balikat ko at saka pinaharap niya ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang pisngi ko. "Anak, mas mahalaga ka sa akin kaysa sa kanya" kumuyom ang mga kamay ni Nanay. "Kung noon ko pa lang nalaman na minamaltrato ka niya, baka naging kriminal pa ako at napatay ko siya"
"Yun nga po ang ayokong mangyari. Ayokong mapahamak kayo nang dahil lang sa akin"
"Anong nang dahil lang sayo?" Hinaplos niya muli ang pisngi ko. "Ikaw ang pinakamahalagang tao para sa akin. Simula nung dumating ka sa buhay ko, sinumpa ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para maibigay ang lahat ng mga pangangailangan mo. Mahal na mahal kita, anak .. at sobrang sakit sa akin na wala akong nagawa noong mga panahong naghihirap ka. Na hindi man lang kita maipagtatanggol laban sa mga taong nanakit sayo. Patawarin mo si Nanay ha .. ang dami kong pagkukulang sayo"
Tumulo ang luha ko dahil kitang-kita ko ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at hinalikan yun. "Wala po kayong kasalanan, Nay. Saka kalimutan na po natin yun .. ayoko nang maalala ang mga mapapait na karanasang yun"
Hinapit ako ni Nanay kaya napayakap ako sa bewang niya. Sumandal ako sa dibdib niya at saka tiningala siya. "Alam niyo, Nay .. simula po nung dumating ako dito, ang daming nagbago. Pakiramdam ko po, yung nawala kong kabataan noon ay ngayon ko nararamdaman. Nagkaroon ako ng mga kaibigan .. kahit nga po yung simpleng paglalaro sa playground, naranasan ko dito e. Masaya pala, Nay. Masaya pala pag hindi ka nag-iisa"
Kahit nung mga panahong muntik na akong gawan ng masama ni Mr. Chan, nandoon si Aling Frida na hindi umalis sa tabi ko kahit na hindi ko siya pinapansin. Samantalang noon, lahat kinikimkim ko. Ang dagat lang ang takbuhan ko pag hindi ko na kaya. Para lang hindi nila makita ang luha ko .. lumulublob ako sa dagat. Pero ngayon, may mga tao nang handang umalalay at makinig.
Hinaplos ni Nanay ang buhok ko. "Buti na lang talaga .. tama ang desisyon kong dumito ka na lang muna. At maraming salamat sa Diyos na hindi ko na kailangang mag-alala pa dahil alam kong ligtas at maayos naman ang kalagayan mo dito"
Nahiga na kami ni Nanay pero nanatiling nakasiksik pa rin ako sa kanya. Inasar pa nga niya akong ikukwento niya kay Miguel na baby damulag pa rin daw ako.
Kinabukasan ay maaga ring umalis si Nanay dahil tumawag si Trina at sinabing inatake daw si Tiya Tina sa puso at isinugod sa ospital. Gusto ko sanang sumama dahil nag-aalala din ako .. kaya lang ay may pasok pa kami.
Magbabyahe na nga lang sana si Nanay dahil nahihiya na daw siya kay Miguel pero buti na lang at naligaw si Hans sa bahay. Noong nalaman niyang aalis kailangan nang umalis ni Nanay ay nagpatawag agad siya ng helicopter. Iba rin talaga ang isang to.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...