Athena Katherine's
"Gising, Teng!" Nagising na lang ako sa biglang pambubulabog sa akin ni Axel sa kwarto ko. Naiinis na binato ko siya ng unan pero tinawanan lang ako ng walanghiya.
"Bakit nandito ka na? Ang aga aga pa ah!" Inis na singhal ko sa kanya. Kahapon kasi ay umalis sila ng Tito Luis niya para sunduin ang parents niya sa airport.
Yes, dumating na ang parents niya dahil bukas ay gagraduate na kami. Hindi ko magawang maging masaya dahil sa isang araw ay iiwan na ako ng pinakamatalik kong kaibigan.
"Tsk. Wala pa nga akong tulog, sinisigawan mo na agad ako" hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong pinatayo sa higaan. "Tara, may ipapakita ako sayo"
"Ano ba yun? Saka baka makita ka ni Tiyo dito sa kwarto"
"Wala ang Tiyo mo. Busy sa kampanya niya. Saka pinapasok naman ako ni Nanay Linda e" wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
Pagbaba namin sa may sala ay nakita ko si Nanay na nag-aayos ng mga flyers ni Tiyo. Tatakbo kasi siya bilang kapitan ng barangay namin.
"Hoy, Athena! Maghilamos ka muna. Itong batang to, dalaga na't lahat parang bata pa rin kung kumilos" sermon pa sa akin ni Nanay nung nakita niyang palabas na kami ng bahay. Tinawanan naman ako ni Axel kaya dinagukan ko siya.
Nakangusong pumasok ako sa kusina para maghilamos at magsepilyo. Kasunod ko pa rin si Axel na hinihilot ang likod niya.
"Ang bigat talaga ng kamay mo, Teng" reklamo niya kaya inirapan ko lang siya.
Matapos kong gawin ang mga 'morning routine' na itinuro sa akin ni Nanay ay muli na naman akong hinila ni Axel patungo sa koprahan nila. Sa tambayan namin.
Pagdating namin doon ay walang ibang tao at ang higit na nakapukaw ng pansin ko ay ang mga pagkaing nakahain sa papag na lagi naming tinatambayan.
"Hala, Kuya! Ang daming chocolates!" Kulang na lang ay umilaw ang mga mata ko dahil sa halos isang kahon ata ng iba't-ibang klaseng chocolates ang nandoon.
"Tsk. Sa halip na yung bacon at fried rice ang pansinin, yung tsokolate agad ang nakita"
"Aba minsan lang ako makatikim ng ganito. Pahingi ha!"
"Sayo yan lahat. Pero kumain ka muna ng kanin"
"Talaga?! Akin to?!"
"Oo nga. Pasalubong sayo nina Mommy" napayakap tuloy ako sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Tatawa-tawang ginulo naman niya ang buhok ko at pinaupo na ako sa papag.
Inabutan niya ako ng pagkain na parang balak niya akong bitayin dahil ang dami noon masyado.
"Para saan ito, Kuya?" Tanong ko habang kumakain na kami. Ang dami talaga niyang hinandang pagkain. Karamihan pa ay mga paborito ko.
Tumingin siya sa mga mata ko at malungkot na ngumiti "Diba ang tagal mo na akong niyayayang magpicnic?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at uminom ng tubig para tanggalin ang tila bara na nasa lalamunan ko. Pagkatapos kong uminom ay tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Yeah .. thank you sa pagtupad ng hiling ko"
Umisod niya palapit sa tabi ko at ginulo ang buhok ko. "Bawal ang malungkot ngayon. Dapat masaya lang tayo hanggang bukas .. aba, Salutatorian kaya yung kapatid ko"
"At pagkatapos ng bukas?" Napaiwas siya ng tingin at saka ibinaba ang plato niya.
"Babalik naman ako e" nakangiti man siya ay iba na naman ang tono ng boses niya.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...