Athena Katherine's
"Athena .. nandiyan si Sir Miguel sa baba" napabalikwas ako sa kama noong pumasok si Ate Bell sa kwarto ko.
Napakamot na lang ako sa ulo dahil antok na antok pa ako. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil kinakabahan ako sa mangyayari ngayon.
Natapik ko na lang ang noo ko. Bakit ba kasi ako pumayag na makipagkita kay Ms. Venus Gregorio ngayon?
Athena! Ano ba tong pinasok mo?
"Teng .. mag-ayos na ka. Baka tanghaliin pa kayo ni Miguel sa biyahe." Napanguso na lang ako noong pati si Axel ay pumasok na rin sa kwarto at naupo sa gilid ng kama ko.
"Kasalanan mo 'to, Kuya e. Dapat di mo na lang sinabi kay Miguel na sasali ako dun sa pageant na yun"
"Aba .. akala ko sinabihan mo na siya e. Bumangon ka na diyan .. magdala ka na rin ng damit dahil bukas pa daw ang uwi nyo" sabi niya at saka ako hinampas ng unan.
Inis ko naman siyang tiningnan "At talagang papayagan mo akong matulog dun? Bakit ba payag ka na lang ng payag? Anong klaseng guardian ka?"
"Aba! Sasabihin mo sa'kin yan ngayon matapos mong matulog sa bahay ni Miguel nang kayo lang dalawa? Hindi pa nga pala kita nasesermonan dahil dun" inosenteng ngumiti lang naman ako sa kanya at nag peace sign pa.
"Maliligo na ako, Kuya. Layas ka na"
"Hindi. Mag-uusap --"
Bago pa siya makapaglitanya ay bumangon na ako sa kama at diretsong lumabas ng kwarto. Pumasok ako sa kwarto ng kambal at doon ulit nakiligo.
Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa kwarto ko. Pagdating doon ay may nakahanda ng damit sa kama. Maging ang mga damit kong dadalhin ay maayos nang nakalagay sa isang bag. Siguradong si Ate Bell ang may gawa nun kaya napailing na lang ako. Napakamaalaga at nakapabait talaga niya.
Nagsuklay lang ako ng buhok at naglagay ng kaunting polbos sa mukha. Hindi naman ako marunong mag-ayos kaya hindi na ako nag-abala pa.
"Ate Teng! Tawag ka na po ni Kuya" Napalingon ako sa pinto noong sumilip doon si Amira. Nakangiting sinakbit ko ang bag ko at saka hinawakan ang kamay niya para sabay kaming bumaba ng hagdan.
Medyo masakit pa rin ang lintos ng paa ko kaya medyo iika-ika pa rin ako.
"Good morning, Babe" nakangiting mukha ni Miguel ang bumungad sa akin pagbaba ko ng hagdan. Agad siyang lumapit at saka kinuha ang bag ko.
Nanlaki naman ang mata niya noong basta ko na lang siyang hinampas sa balikat. "Anong nakain mo at sinabi mo pa talaga sa mommy mo ang pagsali ko sa pageant?! At bakit pinagbibilhan mo pa ako nung mga sapatos at make up kit?!"
"Sorry na .. alam ko kasing wala kang mga gagamitin kaya ako na lang ang nagprovide"
"Willing naman daw mag-ambagan ang mga kaklase ko e."
"Babe, di ako papayag na yung mga low quality products lang ang gamitin mo gayong kaya ko namang magprovide ng mas safe na make up kit at mas komportableng sapatos para sayo"
"Pero ang mamahal kaya ng mga yun. Nakakapanghinayang .. san ka kumuha ng ipinambili mo dun?"
"Kung iniisip mong humingi ako kay Mommy o bumawas ako sa trust fund na iniwan sa akin ni Daddy ay nagkakamali ka. Pera ko yun .. ipon ko yun"
"Kahit na. Syempre may paglalaanan ka pa nun. Kaya ka nga nag-ipon"
"Madali lang naman mag-ipon ulit" hinawakan niya ang kamay ko. "Kaya sige na babe, tanggapin mo na yung mga binigay ko sayo"
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...