Chapter 40

105 5 0
                                    

Athena Katherine's

Masayang humagikhik ang batang nakahiga sa kandungan ko nang paghahalikan ko ang matambok at namumula niyang pisngi.

Kasalukuyan kaming narito sa garden ng bahay at nakaupo sa bermuda grass na nilatagan lang ng picnic blanket. Ganito lagi ang eksena naming mag-ina lalo na pag wala si Miguel. Busy kasi siya sa trabaho dahil dumadami na ang mga kliyente nila sa firm.

"Da-da!" Napanguso na lang ako sa sinabi ng anak ko. Lagi na lang kasing Dada niya ang hanap. Ang daya-daya .. buti na lang ako ang kamukha niya .. dun na lang ako bumabawi.

Hinalikan ko ang kamay niya at kiniliti ang tiyan niya kaya pumailalim sa buong lugar ang mga hagikhik niya.

"Mama .. say Mama please, love" pakiusap ko sa kanya pero nginisihan lang niya ako at sinubo pa ang kamay na agad ko namang tinanggal.

"Da-da!" Ulit pa niya kaya naniningkit ang matang pinisil ko ang pisngi niya. For an eleven-month-old infant, marunong na siyang mang-asar.

"Wala kang milk later" muli siyang humagikhik at itinaas taas ang mga kamay para abutin ang mukha ko. May sounds siyang ginagawa na hindi ko naman maintindihan kaya tumango-tango na lang ako na parang nagkakaintindihan kami. Nangingiting itinayo ko siya at pinatuntong sa hita ko kaya agad siyang humawak sa pisngi ko.

"Ma-ma!" Nakangising sabi niya sabay halik sa pisngi ko. Napailing na lang ako at niyakap siya. Pinupog ko pa ng halik ang pisngi niya.

"Manang mana ka sa Dada mo. Ang galing mambola!"

Tumawa muli siya kaya lalong sumaya ang puso ko. Kakaibang saya talaga ang dala niya mula nung dumating siya sa buhay namin ni Miguel. Sa tuwing nakatitig ako sa mga mata niya, lagi kong napapatunayan na tama ang naging desisyon kong ibigay na lang ang buong oras ko sa pag-aalaga sa kanya.

After ko kasing manganak ay kinontak ako ni Sir Wen. May isang network daw na kumukuha sa'kin at bibigyan ako ng isang documentary show which is, yun talaga ang pangarap ko. Matagal ko yung pinag-isipan .. pinupush nga rin ako ni Miguel at sabi niya ay susuportahan daw niya ako. Pero nung araw na makikipagkita na sana ako sa mga producers ay ayaw humiwalay sa'kin ng anak ko. Iyak siya ng iyak kaya maging ako ay naiyak na rin. On that day, tumawag rin ako kay Sir Wen at sinabing hindi ko na tatanggapin ang project.

I let my dream job go .. pero wala akong pinagsisisihan doon. Sa bawat araw kasing kasama ko ang anak ko ay marami akong nadidiscover sa kanya. Mas masarap sa pakiramdam na nasusubaybayan ko yung simpleng milestones niya. Lalo nung mga unang buwan na kasama ko siya .. kahit simpleng pag-grip lang niya, naiiyak ako .. yung first time niyang dumapa at gumapang, naiyak din ako .. nung first time niyang binanggit ang word na 'Dada' iyak rin ako ng iyak. I even reactivated my social media accounts to share those precious moments to other people .. tapos nung binanggit naman niya ang salitang 'Mama', kulang na lang ay magpaparty ako.

Ganun pala pag naging magulang .. akala ko wala na ako ibang mamahalin pa kundi si Miguel .. but when our little angel came, I fell in love again. Kahit nga si Miguel, minsan nahuhuli kong nakatitig lang sa anak namin at minsan ay naluluha pa habang nakangiti .. At sa araw-araw, kahit pagod siya galing trabaho ay siya pa rin talaga ang magpapatulog sa anak namin. 

Our beautiful daughter .. our little goddess, Antheia Gabrielle.

In Greek Mythology, Antheia is the goddess of flowers and flowery wreaths. She was also the goddess of human love like Aphrodite. She's also a loyal and kindhearted goddess.

I'm not fond of Greek Mythology kaya wala akong alam sa mga goddess na yan .. ang alam ko lang, doon kinuha ang pangalan ko .. pero mukhang nag-reseach si Miguel. And when he told me about the name Antheia, nag-stick na agad siya sa utak ko .. tapos nalalapit pa sa pangalan ko .. and ang hilig pang magbigay ng flowers ni Miguel sa'kin hanggang ngayong mag-asawa na kami .. kaya naisip kong bagay na bagay yung pangalan na yun sa anak namin.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon