Chapter 18

90 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Hoy babae! Saan ka nagpunta nung acquaintance? Alam mo bang ikaw dapat yung face of the night?! Sayang yung 5k!"

Sermon sa akin ni Andrea pagkalapit ko sa kanya. Enrollment kasi namin ngayon for second sem .. ngayon lang ulit kami nagkita pero binungangaan agad ako.

"May pinuntahan lang ako"

Naningkit ang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin. Magsasalita pa sana siya ngunit sumulpot na si Miguel sa likod namin at inabutan kami ng tig-isang tubig.

"Dapat yung may kulay, Miguel" hirit pa ni Andrea kaya natawa ako.

"Tsk. Hihingi na talaga ako ng budget kay Lynard. Lagi ka na nga lang nagpapalibre, ang reklamador mo pa" sagot lang ni Miguel sa kanya habang pinupunasan ang pawis ko sa noo. Ang init na naman kasi ng pila namin.

"Juan Miguel, scholar pa din naman ako 'no?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa kasi nagpapadala si Nanay ng pera dahil nanganak na daw si Trina. Hindi naman daw niya pwedeng pabayaan ito dahil nga nasa kulungan si Tiyo Gado.

Sa tuwing tumatawag sa akin si Nanay ay lagi niyang ibinabalita na marami pa daw ang nagrereklamo laban kay Tiyo. Simula daw nung hinuli ito ng mga pulis ay parang nagkaroon ng lakas ng loob ang mga nabiktima niya na magsalita. Mayroon pa nga daw lumitaw na myembro ng SK na pinagsamantalahan niya sa loob mismo ng barangay hall. Kaya ngayon ay walang magawa sina Tiya Tina at Trina .. at dahil likas na mabait si Nanay ay hindi niya mapabayaan ang mga ito.

Yung mga koneksyon naman daw ni Tiyo ay nakakapagtakang hindi nakikialam sa kaso.

"Oo naman. Bakit?"

"E di'ba medyo bumaba ang mga grades ko?" Dahil nga sa madaming nangyari at sobrang gulo ng utak ko noong kasagsagan ng finals namin ay hindi ako masyadong nakapagfocus sa pag-aaral. Salamat na lang talaga sa Diyos at talagang wala akong bagsak o tres na grade.

"Sa pagkakaalam ko, mawawalan ka lang ng scholarship pag huminto ka sa pag-aaral o pag nagkaroon ka ng tatlong singko." Sagot niya kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang talaga at may mga taong gusto pa ring tumulong sa mga kabataang gustong mag-aral.

Noong sinabi ko kay Nanay ang tungkol sa scholarship ko ay tuwang-tuwang siya. Malaking tulong naman kasi talaga sa pag-aaral ko yun .. at ipinapangako kong hindi ko sasayangin ang opportunity.

"Thank you talaga ha. Promise dito ako magpaparehistro tapos iboboto ko yung mommy mo sa eleksyon!" Tinaas ko pa talaga ang kanang kamay ko na parang nanunumpa kaya tinawanan lang niya ako at pinisil ang ilong ko.

"Cute mo!" Tatawa-tawang sabi niya kaya pabirong hinampas ko ang kamay niya. "Saka wag kang mag thank you. Karapatan niyo yun. And hindi naman yun pera ni Mommy .. may budget talagang nakalaan para sa mga estudyante"

"E' thank you pa din .. kasi hindi lahat pinapalad na magkaroon ng ganitong opportunity. Saka di naman ako taga rito talaga"

"Di rin naman talaga kami taga rito ah" singit pa ni Andrea at nagkibit balikat. "Noon nga, akala ko hindi na ako makakapagcollege. Then one day, may nagpuntang mga tauhan daw ni Vice Governor sa barangay namin na namimigay ng forms para sa mga estudyante. Nagtry lang akong magfill-out pero di ako umaasa dahil nga dayo lang talaga kami dito. Tapos after one week, nakatanggap ako ng text at sinabing kasali ako sa napiling scholar. Edi yun, dumeretso agad ako rito at nag entrance exam. Nakapasa edi tsaran! Nakapag-aral ako sa isang magandang school" nakangiting kwento niya bago naniningkit ang mga matang bumaling kay Miguel. "Wala ka namang hokus-pokus dun 'no, Miguel?"

"Di ako nakikialam sa trabaho ni Mommy. Yung kay Athena naman, pinakita ko lang sa kanya yung mga grades mo nung high school. Wala akong sinabi na kahit ano tapos yun .. kinuha niya ang pangalan mo. Di ko na alam ang kasunod na nangyari" paliwanag niya kaya napatango tango na lang ako. Mukhang may magandang dulot talaga ang pagiging loner at ang pagsusunog ko ng kilay nung high school.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon