Athena Katherine's
"Mars! Tara na sa labas! Gusto ko nang lumublob sa dagat!" Excited na sabi ni Andrea habang niyuyugyog ang balikat ko. Nasa likod niya si Kaycee na napailing na lang sa ka-hyperan niya.
Narito kami ngayon sa isang property nina Hans sa Anilao, Batangas para sa Christmas party na naisip niya kahapon. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya pero kaninang madaling araw ay isa-isa niya kaming sinundo sa mga bahay-bahay namin. Ibang klase talaga ang trip ng lalaking yun.
"Ayusin muna natin yung mga gamit natin, pwede? Nakakahiya kung makalat yung kwarto natin. Kababae nating tao" natatawang sabi ko sa kanya. Kaming tatlong mga babae ang magkakasama ngayon dito sa kwarto samantalang yung mga lalaki naman ay may kanya-kanya ring kwarto. Mas okay na ring magkakasama kaming tatlo dahil malaki naman yung kwarto at tatlo din yung mga bed.
Ngumuso lang si Andrea at saka kinuha ang bag niya. "Minsan lang kasi akong magdagat. Wait .. ano pala ang dala nyong panlangoy? Siraulong Honesto kasi yun .. akala ko joke joke lang. Di tuloy ako prepared. Buti nga pinayagan ako ng tatay ko e"
"Psh. Si Jerick ang nag-impake ng mga dala ko. Sigurado akong puro pantalon o pajama ang laman ng bagahe ko" inis na sabi ni Kaycee at tumabi sa akin ng upo. "Ikaw, Mars?"
Nagkibit balikat lang ako at pinakita ang short at t-shirt ko. "Ito. Di rin ako nakapaghanda ng swimwear e"
Napapalakpak naman si Andrea at nakipag-apir pa sa akin. "Buti na lang di ako nag-iisa" humagikhik pa siya kaya nagkatinginan na lang kami ni Kaycee at sabay na natawa.
"Wait nga lang. Kukunin ko yung anak ko baka gutom na" tumayo siya at akmang lalabas ng kwarto nang batuhin siya ni Andrea ng unan.
"Hoy babae! Si Kendrix ang gutom ha .. hindi yung ama"
"Gaga!" Inirapan lang niya si Andrea bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Napapatalak na lang si Andrea at saka pinagpatuloy ang ginagawa niya.
Nung naayos na namin ang mga gamit namin ay lumabas na rin kami. Naabutan namin yung mga lalaking nagkukulitan sa may baybaying dagat. Parang mga batang nagtatakbuhan sa may dalampasigan at nagbabatuhan ng mga shells na napupulot nila.
Napangiti ako nung nakita kong si Miguel ang may hawak kay Kendrix. Nakangiting lumapit ako sa kanila at saka ko hinawakan ang munting kamay ni Kendrix .. ang cute cute .. ang taba taba. Lagi pang bungisngis at bihira lang kung umiyak.
Wala kasing mapag-iwanan sina Kaycee dahil may sakit daw ang kasambahay ni Jerick kaya isinama na lang nila ang bata. Siniguro naman naming komportable siya kanina sa byahe at isa pa, kami-kami lang naman ang narito dahil private property ata ito nina Hans.
"Gutom ka na? Nagpapaluto pa si Hans e" tanong sa akin ni Miguel kaya ngumuso ako.
"Di mo ako ipagluluto?"
Natawa naman siya "Mamayang tanghali, kami na ang magluluto .. itong breakfast lang ang ipinaluto ni Hans para makapahinga naman daw tayo" Dahil nga maaga kaming sinundo ni Hans ay maaga rin kaming nakarating dito. Hindi rin naman ganun kalayo ang naging byahe namin dahil nga iniisip din namin si Kendrix. Ang unang plano kasi ay sa Quezon pa daw pero sabi ni Jerick ay hindi na siya sasama kung ganun .. ayaw namang pumayag ni Hans na hindi kumpleto ang barkada nila kaya siya na ang nag-adjust.
"Di naman pahinga ang ginagawa ng mga kaibigan mo e" natatawang sabi ko habang nakatingin kay Axel at Hans na naghihilahan na sa dagat.
"Actually, palusot lang yun ni Hans dahil tinatamad lang talaga siyang magluto ngayon" tatawa-tawang sabi niya habang sinasayaw sayaw si Kendrix. May nakasabit pang lampin sa may balikat niya kaya ang domesticated niyang tingnan.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...