Athena Katherine's
"Good morning, Sir. Pinatawag niyo daw po ako" agad na sambit ko pagkapasok ng principal's office.
"Good morning, Miss Alvarez. You look good" nakangiting sabi niya sabay turo ng visitor's chair sa harapan ng table niya kaya dahan-dahang lumapit ako doon at umupo.
"Kamusta ka naman?"
Tipid ko siyang nginitian bago sumagot. "Ayos naman po"
Tumayo si Sir sa table niya at marahang naglakad habang pinaglalaruan ang hawak na lapis.
"I heard that you're running for Valedictorian of this batch" pinanatili kong kalmado ang sarili ko noong naramdaman ko siya sa likuran ko.
Napayukom ang mga kamay ko noong naramdaman kong nilagay niya ang magkabilang kamay sa balikat ko at marahang minasahe yun. "Gusto mo bang masecure ang pwesto mo?" Bulong niya sa tainga ko. Tumikhim ako kaya natawa siya at binitawan ako.
"Kampante ako sa grades ko. May sasabihin pa po ba kayo?" Walang emosyong tanong ko. Muling naglakad si Sir at sa pagkakataong ito ay naupo siya sa upuang kaharap ko.
Nakatitig siya sa mga mata ko at ilang saglit pa ay bumaba ang mata niya sa dibdib ko. Pinaikot ko na lang ang mga mata ko at padabog na tumayo.
"Teka lang .. hindi pa tayo tapos mag-usap" sarkastikong natawa ako at nakataas ang kilay na humarap sa kanya.
"Mag-usap o mambastos?" Tumaas ang sulok ng labi ko noong natigilan siya at pagkuwa'y tumikhim at pinaseryoso ang mukha.
"Kilala mo ba kung sino ang kausap mo?" Striktong tanong niya.
"Hindi nga e. Ikaw, Sir .. alam mo bang menor de edad pa lang ang binabastos mo? Gusto mo bang humimas ng malamig na rehas?" Ang kapal din naman talaga ng mukha ng matandang to samantalang bago pa lang siya dito sa school namin.
"Watch your words, young lady. You should know how to respect me. Ayaw mo bang makagraduate?"
"Respect is earned, Sir. At bakit hindi ako gagraduate? Nag-aral ako ng mabuti, matataas na ang mga grado ko kahit noong mga panahong wala ka pa dito at higit sa lahat .. pride ako ng school na to. Tumingin ka lang sa labas ng gate at puro mukha ko ang makikita mo. Now tell me, bakit hindi ako makakagraduate?"
Kumuyom ang mga kamay ni Sir at kitang kita ko ang pagdilim ng mukha niya kaya natawa na lang ako. May kaba man akong nararamdaman pero kailangan kong maging malakas. Siguro kung noon ito nangyari ay iiyak na lang ako basta at manginginig pero ngayon ay natuto na akong lumaban.
"Don't expect na makukuha mo ang pwesto ng Valedictorian" gigil na gigil na sabi nya.
Ngumuso ako at nang-aasar na tumingin sa kanya. "Paano yun, Sir? Last time I checked .. 7 points ang lamang ko sa grades ni Rosemarie na siyang second sa ranking. Mahirap pong habulin yun. Magiging questionable .. pero kung magpapa-recompute kayo .. wala pong problema sa akin yun" sinamaan lang niya ako ng tingin kaya noong wala na siyang nasabi ay tatawa-tawang lumabas na ako ng opisina niya at padabog na sinaraduhan ang pinto.
Paglabas ko ay napasandal ako sa pader dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.
Huminga ako ng malalim at tinapik ang balikat ko. "You did great, Athena" bulong ko at muling naglakad pabalik ng classroom namin.
"Athena? Bakit maputla ka? Ayos ka lang ba?" Napairap na lang ako noong nakasalubong ko si Sir Jeff. Ang gagong to, akala ko ay sadyang mabait lang sa akin pero may iba pa pala siyang balak. Noong third year na kasi ako ay bigla siyang nagsabi na manliligaw daw sa akin at hihintayin niya daw na makagraduate ako.
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...