Chapter 36

80 5 0
                                    

Athena Katherine's

"Mauna ka na sa taas. Dadaanan ko lang si Minerva" agad na tumaas ang kilay ko nung narinig ko ang sinabi ni Miguel.

Naisipan na kasi naming umuwi dito sa condo dahil may kailangan daw siyang asikasuhin.

"Who the hell is Minerva?!" Natatawang tumingin siya sa akin at pinisil ang ilong ko. Humalukipkip ako at sinamaan siya ng tingin kaya naiiling na inakbayan niya ako at mabilis na hinalikan sa pisngi.

"Selosa. Baby ko yun" lalo akong nainis kaya pinagkukurot ko siya sa tagiliran.

"Bwisit ka! Bitawan mo nga ako!" Pilit kong inaalis ang braso niyang nakaakbay sa akin pero tinawanan lang niya ako at mas hinapit palapit sa kanya. Inabot niya ang ilong ko at pinangigilan yun. Aware akong marami ang nakatingin sa amin dahil narito pa kami sa may lobby ng building ng condo pero wala akong pakialam. Mukha namang wala ring pakialam si Miguel.

"Babe! Masakit na yung ilong ko" reklamo ko kaya natawa siya at binitawan na rin ang ilong kong sigurado akong namumula na. Bahagya rin niyang ibinaba ang mukha niya para kintalan ako ng maagang halik sa tungki ng ilong.

Inalis niya ang pagkakaakbay sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa kaliwang bahagi ng building. Nakita ko pa siyang kumaway sa mga taong nakiki-usyoso kaya napailing na lang ako. Hanggang ngayon pala ay fan na fan pa rin siya ng PDA.

Nakarating kami sa isang facility dun na maraming animals. Sa tinagal tagal kong nanirahan dito noon ay hindi ko man lang alam na may ganito pala dito.

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong iniabot sa kanya ang isang puting-puting kuting. Ang liit pa lang nun at parang bago pa lang naipapanganak kaya kasyang kasya lang siya sa palad ni Miguel.

"San mo nakuha yan?"

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Tanda mo nung hinatid kita nung pagkatapos ng birthday ni Jarred? Dito ako dumeretso .. tapos nakita ko 'to sa labas ng unit natin. Nakakaawa kaya kinuha ko na. Mukha namang walang may-ari e"

"So, siya si Minerva?" Nabasa ko kasi doon sa maliit na tag na nakasabit sa bandang paa ng kuting.

"Yup. Ganda, 'no?" Parang tuwang-tuwa sabi niya habang inilalapit pa sa akin ang kuting kaya tumango na lang ako. Actually, hindi ako mahilig sa animals. Takot kasi akong humawak sa kanila .. tapos naalala ko pang nakalmot ako ng pusa noon. Okay lang ako sa patingin-tingin dahil cute naman talaga sila .. pero ayoko lang talagang hawakan sila.

"Bakit Minerva?" Takang tanong ko. Ngumisi lang naman siya at kumindat pa sa'kin.

"Bakit nga ba, Athena?"

"Aba malay ko sa'yo. Ikaw ang nagpangalan" lalo lang siyang natawa at napailing-iling pa pero hindi na sinagot ang tanong ko kanina.

Bahagyang nagulat pa ako nung may inabot ding mga gamit sa kanya yung staff. Mukhang naipamili na niya yung kuting samantalang sabi niya ay nung nakaraan lang niya nakita yun.

Pagpasok namin sa condo ay parang binalot ng kakaibang saya ang puso ko. Wala pa ring pinagbago ang buong lugar. Nakadisplay pa rin ang mga pictures naming dalawa .. yung mga sash and crowns na naiwan ko ay narito pa rin, yung mga damit ko, accessories and even my make up kit .. na na baka mga expired na ngayon. Parang walang pinagbago. Parang hindi kami nawala ng ilang taon.

Nilibot ko ang buong lugar habang siya ay busy sa pagpapakain ng pusa niya. Hindi ko na napigilang mapaluha noong pumasok ako sa kusina .. dito kami laging nagbabonding noon. Luto, pagbi-bake o kahit simpleng kwentuhan lang habang kumakain. Ito talaga yung favorite spot ko rito.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon