Chapter 34

87 5 0
                                    

Juan Miguel's

"Kainaman ding higpit ng taong are!"

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kung sinumang pumasok sa kwarto. Binuksan pa nila ang kurtina kaya diretsong pumasok ang sinag ng araw sa bintana at tumama sa mukha ko. Naiinis na itinabon ko ang unan sa mukha ko at pinilit ang sariling matulog muli.

"Ano ba?! Ano bang ginagawa ninyo dito?!" Inis na asik ko nung may humigit ng unan na nakatakip sa mukha ko. Masamang tiningnan ko sina Lynard at Jerick na siyang nambubulabog sa akin ngayon.

"Bangon, Juan Miguel. Tingnan mo nga, ang kalat ng condo mo. Nakakatiis ka talaga dito?" Takang tanong ni Lynard habang pinupulot ang mga basyo ng alak na nakakalat sa sahig.

"Hoy, Antonio! Alagaan mo yang best friend ko ha. Ako na ang magbabayad ng professional fee mo." napakunot ang noo ko nung narinig ko ang boses ni Hans. Itinapat sa akin ni Jerick ang cellphone niya at nakita ko roon si Hans na kumakaway kaway sa akin.

"Lakas mo ah! Busy akong tao. Saka di ko kailangan ng bayad mo dahil mayaman ako!" inis na sabi naman ni Lynard. 

"Ipapakidnap ko si Dawn Zygel Andrea Balagtas tapos isisilid ko sa kahon then ipapadala ko sa bahay mo .. with cherry on top"

"Gago! .. Wag ganun .. may hika yun, baka di makahinga" naiinis na hinampas ko si Lynard ng unan dahil naiinis ako sa pagmumukha niya.

"Umalis nga kayo dito. Bakit ba kayo nandito?"

"Tumawag si Athena sa'min. Nakiusap na icheck ka" agad na napabangon ako nung narinig ko ang pangalang yun.

Kahapon, matapos kong pagsusuntukin ang pagmumukha ko dahil sa mga pinagsasabi ko sa kanya ay sinundan at hinanap ko siya. Nakailang ikot ako sa kung saan-saan, tinawagan ko na rin ang mga kakilala niya .. pero hindi ko talaga siya nakita.

"Kailan tumawag sayo?! Bakit sayo tumawag?!"

"Aba awayin mo ba naman .. alangang tawagan ka pa" nahahapong napahiga ulit ako sa kama nung muling pumasok sa utak ko ang senaryo kung saan sinasabi ng doktor na nawala ang anak namin. Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil muli na namang bumabalik sa akin ang galit.

"Iwan niyo muna akong mag-isa" matigas na sabi ko sa mga kaibigan ko kaya natahimik silang lahat. Nung hindi kumilos ang dalawang naririto sa kwarto ay ako na mismo ang tumayo sa kama at pumasok sa CR para doon magkulong.

Ilang beses kong nasuntok ang pader hanggang sa mamanhid ang mga kamay ko. Bakit naroon pa rin yung sakit? Kahit saang parte ako tumingin dito sa condo ay nakikita ko siya .. ang hirap nung galit ka sa tao pero gusto mo pa rin siyang mayakap .. yung siya yung dahilan ng sakit na nararamdaman mo .. pero alam mong siya rin ang makakaalis nito.

Napaupo ako sa sahig at napasandal sa malamig na pader. Ayos na lahat e .. bakit nangyari pa 'to? Bakit kailangang may inosenteng buhay ang mawala? At ang higit na kinasasama ng loob ko .. ay bakit nagawa pa ni Athena na sisihin ang anak namin? .. my innocent child.

Hindi na ako nagulat nung biglang bumukas ang pinto dahil sinira ni Jerick. "Tangina naman, Miguel. Ano bang problema mo?!"

Pagak akong natawa at tiningnan siya. "Anong gagawin mo pag nawala si Kendrix?"

Natigilan siya at pagkuwa'y nagsalubong ang kilay niya "Anong klaseng tanong yan?"

Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko ang pagpikit at paulit-ulit na pag-untog ng ulo ko sa pader. "M-may munting anghel na ako ngayon"

Muling natahimik ang paligid. Tanging mga hikbi ko lang ang naririnig. Hindi ko magawang mahiya kahit na nakikita ako ng mga kaibigan ko sa ganitong kalagayan dahil pakiramdam ko'y masisiraan na talaga ako ng bait.

When the Goddess Casts Her SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon