Athena Katherine's
Hindi matigil ang kaba ko pagtapat ko sa podium. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa'kin at hinihintay ang sasabihin ko.
Marami nang mga events ang naattendan ko. Marami nang mga contests at pageants ang kumuha sa'kin bilang hurado. Marami nang mga programa ang nag-imbita sa'kin para maging guest speaker. Marami na rin akong mga librong naisulat na naglalaman ng mga kwento, payo, pangaral at kung ano-ano pa para maka-inspire ng ibang tao. Dapat sanay na ako sa ganito .. dapat sanay na ako sa entablado .. dapat sanay na ako sa mga tao .. dapat wala na akong kabang nararamdaman.
Pero iba pa rin talaga ang epekto sa'kin ng lugar na ito. Ang entabladong ito .. ang bawat sulok ng paaralang ito .. ang mga naging guro ko noon na hanggang ngayon ay narito parin. Ang paaralan na naging saksi ng lahat ng paghihirap at sakit ko. Ang paaralang humubog sa'kin para makamit ko ang kung ano mang meron ako ngayon. Ang paaralan kung saan naranasan kong hamak-hamakin at bastusin ng kung sino-sino .. ang paaralang ayoko na sanang balikan .. pero hindi ko naman matanggihan.
Kanina, habang papasok ako rito ay parang bumabalik sa'kin ang lahat ng mga pinagdaanan ko. Doon sa may canteen kung saan ako sinabunutan at kinaladkad ni Trina .. sa may field kung saan naranasan kong kuyugin ng mga babaeng inagawan ko raw ng boyfriend .. sa classroom kung saan pinangtangkaan akong hipuan ng naging guro ko noon .. at sa principal's office kung saan pati ang pinakamataas rito sa school noong mga panahong yun ay binastos din ako.
My beloved Alma Mater.
Minsan ko na rin siyang isinumpa .. sinabi ko sa sarili kong hinding-hindi na ako babalik dito .. pero heto pa rin ako. Sa harap ng mga magsisipagtapos .. ng mga batang sigurado akong magiging professionals din balang araw .. mga batang gaya ko noon ay nangarap din.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ang mikropono. Honestly, pag kinukuha ako bilang guest speaker ay hinahanda ko na yung speech ko three days before the event .. pero ngayon, wala akong naihanda samantalang Enero pa lang ata nung kinontak ako ng principal nila.
Ngumiti ako sa mga bata. "Hi .. ahm honestly, hindi ko alam ang sasabihin" akala ata nila ay nagbibiro ako dahil nagtawanan pa sila. Napanguso na lang ako at tumingin sa gawi ni Miguel na karga karga ang pangalawa naming anak na si Zion Raphael. Si Antheia naman ay tahimik lang ding nanonood sa tabi niya.
Ngumiti sa'kin si Miguel at bahagyang tumango. Ihinarap pa niya sa'kin si Zion at pinakaway-kaway. Muli akong bumuntong hininga at humarap sa mga manonood.
"Maybe you know me as Miss Universe 201* .. or simply Athena Alvarez, the former reporter. Maybe some of you follow me on my social media accounts so you are aware that I have a very beautiful family. A responsible and loving husband .. and two adorable kids. You can also see there that I am also a published author of some inspirational books .. and aside from that, I also endorse one of the best IT Companies in the world. Amazing, right?" Nakangiting tanong ko kaya nagsitanguan naman ang mga manonood.
Kinuha ko ang mikropono sa stand at umalis ako sa podium. Nagpunta ako sa gitna ng entablado kaya mas nakikita ko na ang mga mag-aaral na magsisipagtapos. Medyo marami sila dahil pinagsabay na ata ang junior high at senior high school. Iba na kasi ang curriculum ngayon.
"When I joined Binibining Pilipinas, I failed thrice? Or four times pa nga ata. I admit, I almost gave up. I received judgements, bashing .. disappoinments. The anxiety and overthinking almost killed me. I even questioned myself, 'hanggang dito ka na lang ba?' .. yung mga kaibigan at kasabayan mo, professionals na .. paano ka na?' .. but I am very lucky enough to have a loving support system who never fails to cheer me up .. to help me stand and to remind me every day that I deserve that crown .. So once again, I joined. And then finally, I got it. I won. I was declared as Miss Universe Philippines 201* .. what a privilege"
BINABASA MO ANG
When the Goddess Casts Her Spell
General FictionHe was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my self.. He was there when I am reaching for my dreams. But when the universe shed it's light and bless...