Xia's POV
Napalunok ako ng ilang ulit at tila hindi ako mapakali sa kina tatayuan ko dahil baka mapahamak din sya sa ginagawa nya
At dahil sakin yon..
Hindi ako pwedeng maging selfish, hindi ako pwedeng gumawa ng aksyon na ika papahamak ng iba
Dadalhin lamang yon ng konsensya ko.. Pero hindi ko parin maisang mag hangad ng kalayaan kaya mabilis kong sinabunutan ang sarili ko
Luminga linga ako mula sa likod ko, para tignan kung nandito sya dahil kapag nakita nya ito ay hindi ko alm kung anong pwedeng mangyari.
Pero pag harap ko kung saan naka tayo ang lalake sa kagubatan ay nag lalakad na sya palapit dito
Nakangiti ito at parang kampanteng kampanteng nag lalakad kaya nag tutumalon ako at sinenyasan syang umalis
Pero naka pamulsa itong nag tuloy tuloy sa pag lalakad, kaya nakagat ko ang sarili kong mga daliri sa sobrang kaba.
Kaya dali dali akong tumakbo pababa, wala akong pake alm kung masaktan nanaman nya ako pero hinding hindi ko hahayaang may mapa hamak nanaman ng dahil sakin.
Nang maka baba ako ay halos kumalambong ang puso ko, naka tayo ako sa gitna ng hagdanan nakita ko sya na binubuksan ang pinto dahil may kumakatok
"Huwag!" Sigaw ko sa kanya kaya sandali itong napa hinto sa pag bubukas ng pinto
Nanginig ang labi ko at hindi agad nakapag salita, kaya itinuloy nya ang pag bubukas ng pinto
Pinag papawisan ako ng malagkit dahil, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari hindi sakin, kungdi para sa lalake.
Isang malamig na hangin ang sumalubong saakin kahit nasa gitna ako ng hagdan, at dahil yon sa bukas ng pinto
"Eyy!" Sigaw nito at dare daretsong pumasok kaya naman bumakas sa muka ko ang labis na pag tataka
Walang gana namang isinara nito ang pinto at ihinarap ang lalakeng naka upo na ngayon sa sofa nya.
"What are you doing here.." malamig na ani nito sa lalake at naupo sa single sofa
"Just visiting you, my friend" ani nito at tumawa na parang komportableng komportable na kausap ito..
So..
Yung pag aalala ko ay wala lang??, dahil ganon mag kaibigan sila?
M-mag kaibigan?!
Psycho din ba sya??, Nanakit?, nangbubugbog?,pumapatay ng tao?
Kung ganon ay maaring madagdagan ang pag hihirap ko?, pero bkt kung titignan ko ang lalake ay wala naman sa muka nitong sasaktan nya ako
Mukang hindi naman nya iyon magagawa??
Nung sandaling tignan ko sya ay pakiramdam ko wala naman sa tipo nito ang mananakit
Dahil ng makita ko ang ngiti nito ay walang bahid ng kabaliwan
Teka?? Ano bang sinasabi ko? Nasanay lang ba ako sa ngising ibinibigay ng lalakeng yon?
Kaya kapag naka kita ako ng simpleng ngiti ay madadala nako? No.. kahit gaano pa kainosente ang muka ng lalakeng yon hindi korin dapat sya pag ka tiwalaan
Mag kaibigan sila, Imposibleng Ligtas ako.
Pero pano kung.. panong kung tulungan nya akong maka alis sa lugar nato?
Napa iling iling ako sa naiisip ko.
"Hey there beautiful" naka ngiti nitong ani sakin at naka tingin kung saang parte ako ng hagdan naka tayo.