Chapter 21

400 34 4
                                    

Chapter 21

SOMEONE'S POV

"Mga hangal!, ang laki ng binayad ko sa inyo tapos hindi nyo parin mahanap?! " hiyang ng isang lalakeng may edad na.

"P-pasensya na boss.. na takasan kami ng sasakyan nila Lukze." Ani ng lalakeng naka luhod sa harapan ng mga lalake.

"Wala kayong silbe!" Hiyaw ng isa pang lalakeng may edad na din.

Itinaas ng lalakeng nasa gitna ang kanyang baril at itinutok sa ulo ng isa sa limang lalakeng naka luhod sa kanilang harapan.

*BANG!*

isang putok lang ang umalingawngaw dahilan para bumagsak ang katawan ng isa, na ngayoy naliligo na sa kanyang sariling dugo.

"Pag bibigyan panamin kayong apat, isang linggo nalang ang meron kayo!" Ani ng matanda at binitawan ang kaniyang baril at nag lakad paalis, agad  namang sumunod  ang mga kasama nya.

"What sho--" ani ng isang kasama nya na nag tatankang mag salita.

"I dont f*cking know!, that f*cking deon.. dapat matagal na syang patay!" Nang gigigil na ani nito at sunod sunod na pina putok ang baril sa itaas.

Gusto na nyang mapatay si Deon sa lalot madaling panahon, dahil alm nya ..nila na babalikan sila nito ano mang oras mula ngayon.

-----------

Xiacy's POV

Nagising ako sa haba ng pag kakatulog ko dahil ang komportable ng pag kakahiga ko.

Ang warm sa kasi sa pakiramdam at hindi ko manlang naramdaman ang kirot ko sa katawan kaya masasabi kong satisfying ang ginawa kong pag tulog.

Akmang pipikit muli ako ng mapa iktad ako, dahil mas humigpit ang lag kaka kapit saak--- yakap sa akin mula sa bewang ng gumalaw ako.

T-teka..

Agad na milog ang mata ko ng umikot ako paharap sa naka yakap saakin si deon!, tulog na tulog ito dahil ang lalim ng pag hinga nito.

Mabilis kong inalis ang braso nya na syang napagtagumpayan ko naman, pero halos manigas ako sa kina hihigan ko nang ang mga binti naman naman nito ang dumantay saakin.

Mukang masarap ang tulog nito dahil, ngayon kolang ito nakitang ganito kaginhawa ang muka nya, dahil tuwing nakikita ko sya ay may mabigat na aura ang bumabalot sa kanya.

Ang noo nya ay laging naka kunot, ngayon ay kakaiba, para tuloy akong inaantok muli kung patuloy ko syang pag mamasdan sa kanyang mahimbing na pag tulog.

"Xia.." umungot ito pero naka pikit parin, ang hina lang nang pag kakasabi nya dahil muka syang nanaginip.

Nagulat pako ng kapa kapain nito ang kama, at ng makapa nya ang bewang ko ay hinigit nya ako, bago ikulong sa mga bisig nya.

Habang ang mga binti nya ay naka dantay parin saakin, hindi ko tuloy maiwasang ma werduhan dahil tuwing ganito ay ang naririnig ko sa kanya ay 'faith' ito ata ang unang beses na may napa nigipan sya tungkol saakin?

Tiningala ko sya, Ibat-ibang emosyon ang kumakain saakin ngayon, galit,lungkot,takot, at sa hindi malamang dahilan pag-aalala.

Wala sa sariling inabot ko ang muka nya at marahang hinaplos ito, sapat na ngaba ang mga narinig kong kwento sa nakaraan nya para intindihin ang mga bagay na nagawa nya?

Sapat na ngabang malaman ko ang pulot dulo ng galit nya para pakawalan ko naman ang akin?, Naiintindihan kong kalabisan ang nangyare noon.

Naiintindihan kong labis na ang sakit na naramdaman nya noon, Pero hindi ko parin maintindihan kung bkt kami pinag tagpo ng tadhana kung ganong wala kaming koneksyon sa isat-isa.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon