Chapter 24

352 27 9
                                    

Chapter 24

Flashback**
[IN XIACY'S STORY]

Pilit kong inisiksik ang sarili ko sa isang sulok dito sa kwarto, madilim ang buong kwarto pero sapat na para maaninag ko ang bawat parte ng kwarto dahil sa kaonting ibininigay na liwanag mula sa labas.

Dalawang linggo nako dito, Nag titinda lamang ako non at Ginusto ko lamang tumulong pero hindi ko naman inaasahan na mapapasama pa ako, hindi konaman inaasahan na mapupunta ako sa lugar nato.

Ang sama konaba kung hihilingin kung sana ay hindi konalamang tinulungan ang babae sa jeep?, Diyos ko! Patawarin nyo po ako sa mga naiisip ko.

At sa dalawang linggo ko rito, wala akong ibang natanggap kung di pasa,sugat,bugbog, Mula sa hindi ko kilalang lalake.

Wala naman akong kasalanan sa kanya, ilang beses rin ang akong nag paliwanag sa kanya na hindi ako ang babaeng nararapat na pupunta rito, pero isang malulutong na sampal ang natatanggap ko tuwing mag sasalita ako.

Sana ay makaalis nako sa lugar nato, sana ay may mag hanap saakin--teka? Mag hanap?? Hinahanap na kaya ako ni chang?!

'Bkt ka nya hahanapin? Hindi bat gusto kana nyang mawala noon paman?'

Kontra ng isip ko

Bigla akong napa iktad sa kina sisiksikan ko ng biglang mag bukas ng pinto, iniharang ko ang mga brasi ko sa ulo ko na tila ako ay mapo protektahan non.

"Stand up..." Malamig na ani nito.

Hindi ako kumilos sa kina uupuan ko kaya narinig ko ang pag lakad nito palapit saakin, sabay hablot sa braso kong ginagamit ko kanina pang takip sa ulo ko.

"When i say stand up, Stand up!" Sigaw nito saakin at lumipat ang hawak nito sa buhok ko.

Nag umpisa nakong umiyak dahil nasasaktan ako sa sobrang higpit ng pag kakahawak nya sa buhok ko at halos naka tingkayad na nga ako dahil matangkad syang lalake.

"M-masakit po tama na...w-wala naman po akong kasalanan sa inyo, gusto kona pong umuwi..." Umiiyak kong sabi sa kanya, pero napa igik ako sa sakit ng lalo nyang higpitan ang pag kaka kapit sa buhok ko.

"You.are.not.going.to.leave.this.place" matigas nyang ani mismo sa muka ko.

"A-aray!" Ani ko ng kaladkarin nya ako gamit sa buhok, sasaktan nanaman ba nya ako?

Diyos ko! Pakiusap tulungan nyo po ako!

Ibinalabag nya ako sa kama at pina ulanan ng sampal sa muka, halos hindi ko maisangga ang mga braso ko dahil mas mahina iyon kesa sa kanya.

Huminto sya na hingal na hingal habang naka titig saakin, habang ako ay naka tulala at hindi na maka kilos dahil pakiramdam ko ay namamaga na ang buong pisnge ko.

Pumatak ang luha ko mula saakin mata pababa sa aking gilid at pumatak iyon saakin tainga, Naramdaman ko ang pag kilos nya.

Naramdaman ko ang biglang pag sakit ng puson ko at pakiramdam ko ay sumasakit ang balakang ko.

Nagitla pako ng higitin ako nito paupo at hawiin ang buhok ko, pero wala don ang atensyon ko dahil pina kikiramdaman ko ang maaring mangyare dahil may pamilyar na pakiramdam ang dumadaloy ngayon sa sistema ko.

H-hindi kaya...

Napa singhap ako ng maramdaman ko ang malagkit na pakiramdam, bkt ngayon pa? Anong gagawin ko ngayon? Anong sasabihin ko? Pano kung lalo syang magalit?.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon