Chapter 27

335 36 9
                                    

Chapter 27

Author's POV

"V5, Sigurado kabang tulog na ang mga yon?" Tanong ng lalakeng kakatapos lang makalagan.

"Mag hintay patayo ng ilang minuto bago sumugod, yung mga armas ba nahanda nyo na?" Tanong ng lalakeng may numerong 5

"Oo kanina pa" ani ng lalakeng may numerong Tatlo.

"Si V2 at V1?"

"Naka pwesto na"

Nag lakad sila papunta sa labas at sumignal gamit ang radyo, Agad naman na sumagot ang dalawa panilang kasama na naka posisyon na ngayon.

Malalim na ang gabi, ngunit silang apat ay naka abang sa dilim na tila handa ng sumugod.

Dinukot ng lalakeng may numerong lima ang kanyang Telepono mula sa kanyang bulsa at Dinial ang number ng Amo.

"Hello boss."

"The h*ll?! Ive'd been waiting for f*cking so long! Kumilos nakayo" halata sa boses nito na galit na galit na at hindi na makapag hintay.

"Papatayin namin sya kung ganon? May naisip akong mas magandang Idea, Dadalhin namin sya dyan ng buhay para kayo na ang bahalang mag pa hirap sa kanya" mahabang alin tana ng lalakeng may numerong lima.

Sandaling natahimik ang kabilang linya, Narinig nya ang pag sasalita ng mga hibang nitong kasama.

"That's a good idea, May silbe karin pala kesa kay V4" mayabang na ani ng matanda mula sa kabilang linya.

Gumihit ang ngisi sa labi ng lalake.

"Of course, Mr.Diego hindi kita bibiguin" pag katapos non ay pinatay na nito ang tawag.

Sinilip nya ang kabahayan at nakita nyang wala ng bukas ng ilaw,mukang natutulog na nga ang mga ito.

Kaya dinukot nya ang Radyo upang signalan na ang iba panyang kasama na kumilos na, dahil wala nasilang natitirang oras.

"Move..." Ani nya sa Radyo.

Humakbang sya habang hawak ang isang baril, naka posisyon ito upang maka ganti agad sya ng putok kung sakaling mag ka barilan man.

Nang maka lapit sila sa pinto ay isa sa ka nila ang kumalikot non at nang mabuksan nila ay dahan dahan nilang pinasok ang bahay upang walang maka rinig ng mga yabag nila.

Xiacy's POV

Nagising ako na nasa lapag si Deon habang naka luhod sa tabi ko ginigising nya ako, akmang mag tatanong pako pero sumenyas lang ito na wag akong maingay.

Kaya kunot noo akong bumangon, dahil hindi ko alm kung anong nangyayare, at sa hindi ko malamang dahilan ay kinakabahan ako.

"D-deon?...anong nangyayare?" Mahina kong bulong ng dahan dahan kaming lumapit sa pinto.

Hawak nya ang kamay ko at pansin ko ang mahigpit nyang pag hawak don kaya bumagsak ang paningin ko sa mga kamay nya.

Ang isang kamay nya ay may hawak na baril, Kaya lalo lamang nadagdagan ang kaba na nararamdaman ko.

Hindi naman sya nag sasalita kaya hindi ko alm kung anong dapat kong gawin, gusto kong mag tanong pero wala akong lakas ng loob gawin yon dahil pakiramdam ko hindi ito ang tamang oras mag tanong.

Bahagya syang umurong at dahan dahang binuksan ang pinto, kahit ang pag hinga nya ay hindi ko manlang marinig.

Hinawakan nya ang pisnge ko.

"Dont make any noises okay?..." Bulong nya saakin kaya tahimik akong tumango.

Mabilis ngunit walang ingay kaming nag lakad sa pasilyo papunta sa kwarto nya kung saan tumitigil sina Lukze at audrey.

PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon