Chapter 28
Author's POV
"Patulugin naba natin?" Tanong ng lalakeng may numerong Tatlo.
"Wag kailangan ni boss ng buhay ang dalawang yan" ani ni V2.
"Boss? Hawak nanamin silang dalawa, hindi nga kami nahirapan" mayabang na ani ng may numerong Lima.
Kausap kasi nito ang amo nya sa kanyang Telepono, habang ang dalawang binata ay naka luhod at may bangas sa muka.
"Give me some pictures" ani ng lalake sa kabilang linya.
"Sure boss!" Pag ka ani nya non ay sinenyasan nyang i angat ang ulo ng dalawa.
May pasa at putok ang labi ng dalawang binata ng i harap nila sa camera ang mga muka nito habang hawak ang buhok.
"Smile!" V5
Matapos kuhaan ng litrato ay mabilis nyang isinend sa boss nya ang nakuhaan, para ipakitang ebidensya.
Muling tumunog ang kanyang telepono.
"Ano boss?"
"Good, dalin nyo sila dito i cant wait to kill those b*stards." Pag ani nito non ay pinatay na nito ang tawag.
"Kunin nyo na ang mga yan! Dadalin kay boss!" Pag kasabi nya non ay mabilis namang kumilos ang mga kasama nito upang dalin ang dalawang naka gapos na binata na sina Deon at Lukze.
Isinakay nila ang dalawa sa Van na naka parada sa tabi ng kalsada kaya kinalaingan panilang mag lakad ng malayo.
Wala namang kibo ang dalawang binata, dahil siguro sa Hilong nadarama dahil sa pag kaka bugbog.
Nang maisakay nasila sa Van, ay mabilis lamang itong pina harurot ng mga lalake kung saan distinasyon dapat sila nito dadalhin.
Xiacy's POV
Naka parada ang sasakyan sa harap ng isang malaking Mansion pero ayokong bumaba, dare daretso lamang ang pag patak ng luha ko.
Paano kung may nangyare napalang masama kay Deon? Sobra sobra ang sikip ng dibdib ko ngayon dahil sa hindi malamang kaba.
"Xia...pumasok na tayo nangako silang susunod." Ani audrey na pilit na kinukumbinsi ako pero tanging iling lang ang sinagot ko.
"A-ayoko...antayin natin sila dito" ani ko habang humihikbi.
Ngumiti ng mapait si Audrey at nag umpisa narin syang umiyak, marahil kanina nyapa dinadala yan hindi katulad ko at inipon nya ang kanya.
Sabay kaming umiiyak, dahil parehas kaming nag aalala kay Deon at Lukze at sa tingin ko ay wala nakong magagawa kung di ang Mag Dasal.
Hinawakan ni audrey ang kamay ko at pilit parin akong kinumbinsing pumasok na sa loob kaya wala akong nagawa kung di ang tumango nalamang sa kanya.
Kailangan ko ng pumasok sa loob yon ang sabi nya, dahil baka daw maka sama saakin kung sakali man.
Nang maka pasok kami sa loob ng bahay ay nakayuko lamang ako dahil
Ramdam kong may mga tao sa sala non."Hello tita...sorry if na istorbo po namin kayo" ani audrey mugto ang mata kong ini angat ang tingin ko.
Nakita ko ang Ginang na mukang nasa mid 40's na pero ang ganda parin, ganon narin ang lalakeng mukang ka edad nito.
Kahawig ng kilay ni Deon ang nakuha sa lalake habang ang mata naman ay sa Ginang.
May isang lalake na naka halukipkip, na halos kahawig na talaga ni Deon pero mukang mas bata ito, mas maamo ang muka nito at ngumiti saamin.
"Its fine ija...s-si Deon ba? Kasama nyo?" Ani ng Ginang na tila sabik na sabik, ngunit malungkot na napa iling lamang si Audrey.