Bullet 1: Ernaline Ashleigh

628 20 12
                                    

ERNALINE'S POV:

PAPALUBOG pa lang ang araw nang lumabas ako mula sa bahay namin, bitbit ang gitara na regalo sa akin ng Kuya ko noong labing-anim na taong gulang pa lang ako.

"Ernaline, saan ka na naman pupunta?" sigaw ni Yaya Marie nang makita ako nitong papalabas ng gate.

Ngumisi ako dito. "Huwag mo akong isusumbong kay Kuya, Yaya. Pupunta lang ako ng park." balik na sigaw ko rito bago tuluyang isinara ang gate ng bahay namin.

"Jusko kang bata ka, bumalik ka rini! Malilintikan ako sa Kuya mo!"

Bago pa man ako mapigilan at mahabol ni Yaya Marie, tumakbo na ako papunta sa parke na siyang pinagtatambayan ko sa tuwing bored ako sa bahay.

Nakapagtapos naman ako ng Marketing dahil na rin sa family business namin na Montenegro Empire. Hindi ko gusto ang course ko pero yon ang gusto ni Daddy.

I want to pursue my dream as a song writer but my Dad didn't let me dahil wala raw akong mararating sa buhay kapag yon ang pinili ko. But I gave him conditions and options, if I finish my study abroad, I will pursue my dream.

Hindi madali ang naging kondisyon ko kay Dad kaya heto ako ngayon; taong-bahay at pagala-gala sa parke.

Hindi ko naman pinangarap na maging office girl dahil nandun naman ang Kuya ko na si Reiden Grei Montenegro. Kuya loves his work and how he manage the company since Dad appoint him as the CEO, lalong lumago ang kompanya dahil sa hardwork at dedication ni Kuya.

Pagkarating ko sa park, agad kong hinanap ang puno ng mangga kung saan lagi akong tumatambay. Napangiti ako nang makitang malinis pa rin ang paligid nito kahit na minsan ay ginagawa itong bahay-bahayan ng mga batang naglalaro dito sa subdivision namin.

Pasalampak na naupo ako sa damuhan without minding the dirt and sand that will stick to me later. Inilapag ko sa tabi ko ang kaha ng gitara bago ko yon kinuha at inilagay sa hita ko. Sunod kong kinuha ang song book ko na parang niluma na ng panahon dahil sa kapal ng papel nun.

Mula high school ay nagsusulat na talaga ako ng kanta. I wanted to try them out to play it on some radio stations kaso nilalamon ako ng hiya. Wala sa dugo ng Montenegro ang pagiging mahiyain kaso nagmana ako kay Mommy na tahimik lang at sunod-sunuran sa kung ano ang gusto ni Daddy.

I strummed my guitar as I started singing; feeling the wind embracing my body as I leaned my back at the mango tree.

'Sunset goes down, here I am alone again.
Where does it shine? For tomorrow's rising sun.'

Natigil ang pagtipa ko sa gitara nang may pumasok sa isip ko na panibagong kanta.

Nakangiting binuklat ko ang song book at kinuha ang lapis na nasa kaha ng gitara ko at sinimulang isulat ang lyrics na nabuo ko.

'As I walk through the darkness, my path seems bleak and uncertain.
But then I see you, holding a torch of light, and suddenly hope springs forth in my heart.

When our eyes meet, I catch a glimpse of the vast ocean and the endless possibilities that lie beyond.

The sunset paints the sky with hues of orange and pink, and as I stand there alone, I wonder where the sun goes when it disappears beyond the horizon.

But I know that it will rise again tomorrow, bringing with it new beginnings and fresh opportunities.'

Nagpatuloy ako sa pagsusulat ng kanta hanggang sa hindi ko namalayan na unti-unti nang umiilaw ang street light sa paligid at unti-unti na ring nagsisi-uwian sa kanilang bahay ang mga bata kasama ang kanilang Yaya.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon