Bullet 28 Party

9 2 0
                                    

ERNALINE'S POV:

"WHO are you?" nanlilisik ang mga mata ni Lolo habang nakatingin kay Sinji pero tinawanan lang ito ng babae.

"Oh, required ba ang introduce yourself dito? Di kasi ako nainform ni Grei eh. Ang sabi niya sa akin iligtas ko lang si Ernaline?" Pamimilosopo pa nito sa Lolo ko.

Nasapo ko ang sarili kong noo bago ako umalis mula sa pagkakahawak ni Mommy at Daddy at saka ako lumapit kay Sinji.

"Siraulo ka ba!? Presidente ng Montenegró ang kausap mo at isa pa Lolo ko siya!" panenermon ko kay Sinji without minding the presence of those people who are watching hs having a scene at the center of this house.

Ayokong mapahamak si Sinji gayong ngayon lang nagpakita sa akin ang babaeng ito sa loob ng mahabang panahon.

"Kahit presidente pa siya ng planetang yekok wala akong pakialam. At saka hindi mo man lang ako inimbita sa engagement party mo? Ang sama mong kaibigan ha!?" Inirapan ako ni Sinji na tila nagtatampo ito.

"Umalis ka na lang!" pagpipigil ko ng galit dito habang tinutulak ko si Sinji palayo sa akin at kay Lolo.

"Quit meddling yourself in others' business young lady. Whether you like it or not she will marry him for our family's sake!" wika ni Lolo.

Naikuyom ko ang sarili kong kamao. "Don't fvck with me, old man. He's not the person I know! He's a fake!"

Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa tabi pero hindi ko sila pinansin. Sino ang tarantadong ito na nasa tabi ko? Binayaran ba ito ni Lolo para maging asawa ko at matupad ang tradisyon na gusto nilang mangyari.

Nagulat ako nang may yumakap sa bewang ko at napalingon ako rito pero tumambad sa akin ang isang puting maskara na bumalot sa mukha ng lalaking nakayakap sa akin at biglang nawala si Sinji sa tabi ko.

"You do know who's the real one, baby?" he said behind those masks.

Kumunot ang noo ko at naguguluhan kung sino ang lalaking ito.

"Hey! Don't touch her!" wika naman ng lalaking nagpakilalang fiancé ko.

Akma itong lalapit sa amin pero agad itong tinutukan ng baril nang lalaking nakayakap sa akin dahilan para magtilian ang ilang babaeng bisita dahil sa nasasaksihan nila. Lalapit sana sa akin si Dad para iligtas ako mula sa lalaking may hawak sa akin pero nakita kong pinigilan siya ni Kuya Reiden na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Bumaling ang tingin ng lalaking nakayakap sa bewang ko sa lugar kung saan naroon si Lolo.

"Seventy years ago, there were two men who built a friendship in the middle of the war when the country they grew up in was against each other regardless of the conflict between each country in the friendship they had. Therefore, there was an agreement between Fredrinn and William that in due time, they would marry their grandchildren while they lived. William came home defeated and Fredrinn came home victorious in the conflict between both sides but that did not become an obstacle to breaking the relationship they had. There was an exchange of letters until they formed their own families and lived quietly in the country they once fought for. As time went by, Fredrinn decided not to want to continue the agreement they had reached because of what he witnessed from his children, but William did not agree. Fredrinn died because of his illness while William kept holding the agreement between him and Fredrinn without knowing the truth behind why Fredrinn wanted to end their agreement and that was to marry the last grandchild of each family's clan."

Napatingin ako sa lalaking nakamaskara habang ang atensyon nito ay na kay Lolo pero ang isang kamay nitong may hawak na baril ay nanatili doon sa lalaking nagpakilala bilang si Perth.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon