Bullet 9: Battle of the Band

119 13 0
                                    

ERNALINE'S POV:

KASALUKUYAN akong nagpapahinga dito sa sala habang ang mga kasama ko ay mga tulog pa. Akala ko hindi sila maglalasing pero napalaban sila kay Saviel sa pustahan.

Nakapatong sa hita ko ang gitara ko habang ang notebook ko naman na niluma na ng panahon ay nakapatong sa coffee table. Napagpasyahan ko kasing gumawa ulit ng kanta for future references since kabilang na ako sa banda ng BlackHand bilang main vocalist.

Sina Kuya Senri, Kuya Trev, Kuya Rent at Kuya Cassius ang natirang matatag habang sina Kaizen, Kyle at Jasper ang siyang nakipag paligsahan ng inuman kay Saviel. Hindi nila matalo-talo ang babae dahil hindi naman ito umiinom ng alak, pinagtripan niya lang talaga sina Kaizen kaya ang kinalabasan, tulog ngayon ang tatlo sa kani-kanilang kwarto.

Ang saya palang kasama ang mga lalaki sa inuman dahil aasikasuhin at aalagaan ka nila. Gentleman silang lahat hindi tulad ng mga nababasa o napapanuod ko sa social media na kapag may alak daw eh may balak? Pero sa estado nila Kuya Senri masyado silang classy at may respeto sa babae.

"Good morning Ashleigh," napalingon ako kay Kuya Senri na kagigising lang gayong ala una na ng hapon.

"Hapon na po, Kuya," saad ko dito.

Naglakad si Kuya Senri papuntang kusina. Nakasuot lamang ito ng pang-ibabang pajama at walang pang-itaas na damit. Hindi naman ako nakakaramdam ng awkward since daily routine ni Kuya Reiden ang rumampa sa bahay ng naka-boxer shorts lang. Though maganda din ang katawan ni Kuya Senri na tila batak sa gym pero hindi ako attracted lalo na't tinuturing ko silang parang nakatatandang kapatid at bilang kaibigan ni Kuya Reiden.

"Nag-lunch ka na ba?" sumilip si Kuya Senri sa pinto habang umiinom ito sa karton ng gatas.

"Hindi pa po. Hinihintay ko kasi kayong magising para sabay-sabay na po tayong kumain," sagot ko.

Inilapag ko muna ang gitara ko sa coffee table nang lumapit si Kuya Senri dala ang karton ng gatas. Umupo si Kuya Senri sa single sofa without minding his topless body being exposed in front of me.

"You don't have to wait for us if you want to eat. May sari-sarili kaming body clock lalo na kapag ganitong nakainom kami. You can cook whatever you like without minding us Ashleigh. Baka sabihin ng Kuya mo pinapabayaan kita dito," ani ni Kuya Senri.

"H...hindi po ako marunong magluto, eh," nahihiyang pag-amin ko. "May cook po kami sa bahay, si Yaya Marie po ang gumagawa lahat ng gawaing-bahay."

Kuya Senri heave a sigh as he massage his temple. "Don't be shy about it. Hindi na bago sa akin na marinig ang ganyan since over protective nga ang Kuya mo pero para sa akin he's so overreacting when it comes to you."

"Ganun lang po talaga mag express ng love si Kuya sa akin bilang kapatid niya po."

"Kunsabagay, hindi ko naranasan magkaroon ng kapatid, I am only child."

Tumayo si Kuya Senri. "Wait here."

Naglakad ito pabalik ng kusina dala ang karton ng gatas na ngayon ay wala nang laman. Puno naman ng pagkain yong fridge ang kaso nga hindi ako marunong magluto dahil hindi naman ako pinapayagan ni Kuya humawak ng spatula o mag operate ng kalan.

Nagkibit-balikat na lamang ako at muling kinuha ang gitara ko at tahimik na tumutugtog doon ng panibagong melody na nabubuo sa utak ko.

Verse 1:
I woke up this morning, feeling a little bit lost,
My heart was heavy, my mind a little tossed,
I looked outside, the sun was shining bright,
But everything around me just didn't feel quite right.

Chorus:
I need a little hope, a little light to guide me,
I need a little faith, to help me believe,
In something bigger than myself, something that's true,
I need a little love, to pull me through.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon