Bullet 23 Hawaii

90 8 0
                                    

DEZRAIL'S POV:

NAHAHAPONG naupo ako sa swivel chair na nandito sa loob ng conference room namin sa HuPoFEL na tanging Elite Class lang ang nakakagamit.

Sa dami ng mga nangyari, hindi ko pa nadadalaw si Ernaline mula sa laboratory ni Gun kung saan ito naka-confine para maibalik sa dati ang katawan nito.

Gun is working his ass out on how to produce an ointment para mawala ang pasa ni Ernaline sa katawan.

"How's the case with Ocampo?" bumaling ang atensyon ko kay Aqueros na hindi ko namalayang nandito pala sa loob gayong hindi naman siya pumupunta rito kapag wala kaming pinag-uusapang importante. Mas gusto nitong magkulong sa sariling opisina.

"He's done from his madness. Hindi lang si Ernaline ang nagawan niya ng kasalanan kundi marami pang ibang babae ang dumaan sa kamay niya."

Ikinulong namin si Ocampo sa dungeon pansamantala habang nililitis namin siya para paaminin sa kanyang kasalanan kaso tuluyan nang nawalan ng bait si Renal at mukhang wala na itong pag-asa na bumalik sa kanyang katinuan. Siguro ipapadala na lang namin siya sa Iceland.

Merong lupain si Aqueros sa Iceland na kung saan doon namin dinadala ang mga taong nahuhuli namin sa bawat misyon kasama ang mastermind at mga tauhan nito. Isa sa pinakaayaw namin ang mapadpad sa Iceland dahil kinikilabutan ako sa tuwing makikita ko ang hyena ni Aqueros.

Bukod sa hyena na pet nito, meron din itong white tiger na nasa France at pagala-gala lang sa mansyon nito. Buti nga wala siyang pet na dinala rito sa Pilipinas at baka himatayin kaming lahat sa sobrang takot.

"You should bring him to my land and let my pet do their job."

Napangiwi ako sa sinabi niya.

Karamihan sa mga dinadala namin sa Iceland ay ipinapang-hapunan lang ng mga hyena at minsan ginagawang laruan ni Aqueros pag trip niyang itorture ang mga taong nahuhuli namin.

"Bahala na si Thud don," tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May sasabihin ka pa ba? Kung wala na aalis na ako."

"You can visit her this time. I will give you a vacation for a job well done, Dezrail."

Itinaas ko ang kamay ko sa ere bilang pagpapaalam sa kanya at tuluyan ko ng tinungo ang pintuan at lumabas na ako.

Napabuntong-hininga na lang ako nang tahakin ko ang pasilyo patungo sa elevator para puntahan ang laboratory ni Gun na nasa underground nitong building. May dalawang palapag pa ang ilalim nitong building ng HuPoFEL - ang laboratory ni Gun at sa pinakailalim nito ang dungeon kung saan namin dinala si Renal Ocampo.

Pagbukas ng elevator, agad akong pumasok at pinindot ang isang secret code para mapunta ako sa laboratory ni Gun. Bumukas ang isa pang pinto ng elevator sa likuran ko kaya naman agad akong pumasok dito. Isa 'yung capsule na gawa sa hindi ordinaryong kagamitan at hindi ko alam kung saan nakuha ni Aqueros.

Sa isang iglap, lumagapak ang katawan ko sa cushion na nakahanda sa tuwing babagsak ang katawan ng sinumang pumupunta sa laboratoryo ni Gun.

"Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon ako kay Gun at mukhang abala ito sa paggawa ng gamot.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa cushion at inalis ang alikabok na dumikit sa katawan ko bago ako lumapit kay Gun.

May ilang doktor din na kasama si Gun dito pero karamihan sa kanila ay walang field of experience kumbaga si Gun na lang ang humasa sa kanila tulad nang kung paano niya kami hinasa sa combat skills.

"How's her condition?" usisa ko.

Sumandal ako sa isang kabinet na puno ng aparato at humalukipkip doon habang magkakrus ang pareho kong braso sa ibabaw ng dibdib ko.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon