Bullet 29 Moonlight

11 2 0
                                    

ERNALINE'S POV:

KUMALAT sa buong social media platforms at tv broadcasting ang video footage kung saan nag-uusap si Lolo, Perth at ang lalaking pakakasalan ko sana.

Tulala lang ako sa tv kung saan pinapalabas ang video footage ng tatlong lalaki, maging ang mukha ko ay nakabalandra sa buong Pilipinas. Hindi nila nirecord yung mismong usapan at talagang pinalabas nila na isa ito sa inaabangan ng Montenegró Empire na maikasal ako sa lalaking itatakda ni Lolo para sa akin.

"People these days are monsters," napalingon ako kay Kuya na pasalampak na umupo sa tabi ko habang ang mga mata nito ay nakatutok sa tv.

After that incident, my brother, Mom and Dad decided to bring me back home because they want me to take some rest from everything happened in my life. Ni hindi ko na rin kinausap si Lolo after the party because I was so mad at him for treating me like a trash.

"What should I do?" Lumapit ako sa kapatid ko at inihilig ko sa balikat niya ang ulo ko habang ang braso ni Kuya ay nakapulupot sa likura ng bewang ko.

"Don't stress yourself, let them seek for what they want to know as long as you know what the real story behind it," mabuti na lang at dumating si Kuya Reiden at ang mga kaibigan nito lalo na si Perth para mapigilan ang napipintong pagpapakasal ko sana sa lalaking impostor. "You know, media's are full of shits. That's how it works and expects more trash inside that world baby. You entered it without hesitation, there's no turning back"

Tinulak ko si Kuya dahil sa inis. "Baka nakakalimutan mo, you're the one who pushed me on that audition of that damn company. I'm happy with my own music and look at me now? My face is all over the internet!" Humalukipkip ako at lumayo kay Kuya.

Tatawa-tawang kinabig ako nito palapit sa kanya at niyakap. "I have a reason why I pushed you to do that thing. You know I can build your own recording studio and you can earn what you have right now with my own power but I choose to let go of that chance because I want you to experience the spotlight and have a normal life again."

"Bakit? Mukha ba akong abnormal?"

"It's not like that, I mean you're normal it's just that lagi na lang papel at gitara ang kausap mo."

"Siraulo ka. Malamang songwriter ako at tsaka bakit di mo nga pala naisipang pagawan ako ng recording studio?" padabog na dinampot niya ang remote control bago pinatay ang tv at hinarap ang kapatid.

"Too lazy to do that." Lumagapak ang kamay ko sa noo ni Kuya.

Nakakainis talaga siya!

Umayos ako nang upo ng dumating si Mommy at Daddy na may dalang pagkain. Tinulungan ko itong ilapag sa coffee table ang meryenda namin.

"Mommy si Kuya nang-aasar na naman," sumbong ko kay Mommy.

"Naglalambing lang naman ang kapatid mo," napanguso ako sa sinabi ni Mommy, paborito niya talaga si Kuya Reiden.

Padabog na kumandong ako sa hita ni Daddy na kakaupo lang sa single couch.

A typical scenario of a family, bonding with each others' company.

"Baby, you're too heavy," reklamo ni Dad na nakakaramdam na nang rayuma.

"Magaan ako Dad, tumatanda ka lang talaga," inabot ko ang isang cookie na gawa ni Mommy  bago umakbay sa balikat ni Dad na ngayon ay tatawa-tawa lang.

Minsan ko lang maasar si Daddy lalo na't busy ang mga ito na mag-travel around the world for our business sake.

"She has a boyfriend Dad, you can't call her baby or cuddle her like that," nasamid ako dahil sa sinabi ni Kuya.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon