Bullet 3: Saviel Hyuga

216 17 1
                                    

ERNALINE'S POV:

"KUYA REIDEN buksan mo 'to!" gigil na sigaw ko nang pumasok si Kuya sa banyo na nasa loob ng kanyang kwarto. Ito kasi ang huling araw na sasama ako sa kanya sa Montenegro Empire kaso nga tinatamad ako.

Sabi ko kasi sa kanya na hindi na ako sasama pero ang damuho pinipilit niya pa rin dahil may ipapagawa raw siya.

"Kuya ano ba!?" sigaw ko mula sa labas ng c.r niya.

Naiiritang nagpadyak ako pabalik sa kama niya at dumapa doon. Maaga pa naman pero binubuwisit agad ako ni Kuya. Kagabi ko pa siya pinapakiusapan tungkol dito.

Kinuha ko ang ipad at doon nagbrowse sa internet. Kuya Reiden said that Kuya Calvin is the manager of BlackHand band. I am not familiar with them kaya naman I decided to check on them.

Laglag ang panga ko nang tumambad ang pictures nilang Lima but the other one is blurred kaya I got curious and click the name under it.

Pero nagtaka ako dahil walang lumabas na information maging ang iba pang pictures nito kasama ang lima ay puro blurred.

"Bakit nandito si Kuya Senri?" bulong ko sa sarili ko nang makita ang picture ni Kuya Senri kaya naman pinindot ko ito at tinignan ang profile.

Wala naman masyadong information bukod sa pangalan, birthday at favorites nito. Sumunod kong tinignan ang iba pang profile like Kaizen Cruz, Timothy Jasper Lee at Kyle Lee Yoo.

I feel like Kyle Lee Yoo is somewhat familiar of me pero hindi ko mataandaan kung kailan o kung saan ko siya nakita.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng c.r at inuluwa nun si Kuya Reiden na bagong ligo. Tanging tuwalya lang ang nakatakip sa bewang nito.

"Quit droolin' on me, Ashleigh."

Nabalik ako sa huwisyo at hinawakan ang gilid ng labi ko.

Sumimangot ako. "Ang kapal mo! May abs ka lang pero hindi ako interesado sa katawan mo."

Kuya Reiden's body is well-toned and his biceps and triceps shout its perfection pero di naman naggi-gym si Kuya.

"Bakit kasi di ka na lang mag girlfriend? Jowain mo na lang yong walking silicon na sekretarya mo?" dugtong ko pa.

Naglakad si Kuya papunta sa cabinet nito without minding my presence at talagang naghubad pa sa harapan ko though nahaharangan ng mesa ang vision ko kahit pwet niya ang nakaharap sa akin.

"Not a fan of silicon baby. I like those natural without a mix of silicon or what you call it just to look them sexy," sagot nito.

Hinayaan ko nang magbihis si Kuya bago ibinalik ang atensyon ko sa profile ng BlackHand.

I save them as my future references at ini-off ang iPad.

"Ang arte mo. 'Yon naman ang gusto ng mga lalaki, yung malalaki ang dibdib at pwet."

"Don't lump me into those assholes. How come you know that kind of preference?" aniya.

"I saw it on tv," tila bata na wika ko.

"May balak ka bang magpadagdag like that woman? Please Ernaline, even though you can afford that don't do it."

"Eww! Mandiri ka nga Kuya!"

Hinampas ko ng unan si Kuya pero ang loko umiwas lang bago isinuot ang long sleeve nito.

"Fix yourself," utos niya pa.

"Ayoko ngang sumama!" pang-aalma ko bago humiga ulit sa kama niya.

"Could you please stand up from your current position? If not, I will have to physically lift and carry you until we arrive at the company's destination," pananakot niya.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon