Bullet 12 Isyu

113 12 0
                                    

ERNALINE'S POV:

TULALA lang ako sa kawalan habang sina Saviel, Kaizen, Jasper, Kuya Senri at Kyle ay may pinag-uusapan dito sa aming sala.

Yes, Saviel Hyuga is living with us at talaga namang nabuhayan ang condo namin nang dumating siya dahil hindi nito pinatahimik ang bawat araw ng apat na lalaki.

Merong pinagtripan ni Sav si Jasper na ilock sa c.r habang naliligo at kinunan ng picture at tyaka ibinenta sa fans nito.

Kay Kaizen naman ay ibinenta ni Sav ang drum stick nitong may pangalan ng banda.

Kay Kyle ang hoodie jacket nitong official merchandise ng BlackHand.

At kay Kuya Senri? Sa tingin ko walang nakuhang ano mang gamit si Sav mula dito.

Iniisip ko pa rin ang banda ng Boys of Creation kung saan napabilang ang lalaking kumuha sa akin. Gusto ko siyang isumbong kay Kuya Reiden but my older brother is not here. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang business trip ni Kuya kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Guys, nakita niyo na ba?" sabi ni Jasper pero wala doon ang atensyon ko.

Hinayaan ko lang silang magkagulo sa harapan ko kahit na naglalaro lang sila ng chess. Saviel decided to have a game since wala kaming ganap after the Battle of the band.

Boys of Creation nga pala ang nag-champion noong gabing 'yun at hindi pa rin maialis sa isip ko ang sinabi ng isa sa kanila tungkol sa 'deal' na pinag-usapan kuno namin dahil hindi ko ito namukhaan.

Sa pagkakaalala ko sinunog ng lalaking nagligtas sa akin ang bahay na pinagdalahan sa akin noong gabing 'yon. At hindi ko alam kung ano ang naging balita dahil si Kuya Reiden ang umasikaso nun at nasa kalagitnaan pa ako ng pagkabigla nang matanggap ako sa banda ng BlackHand.

"What the hell is that?" bulalas ni Saviel dahilan para mapabaling ang atensyon ko rito. Literal na nagpanting ang tenga ko sa boses ni Sav kaya nabalik ako sa huwesyo.

Pinag-aagawan nila ang cellphone ni Jasper at pinagpapasa-pasahan kung sino ang titingin sa kung ano man ang nakita nila.

"Aray ko! Anak ng, may cellphone naman kayo!?" reklamo ni Jasper nang maipit ito sa pagitan ni Saviel at Kaizen.

"Ibigay mo kasi sa akin! Gusto mo talaga 'yung nasasaktan muna, eh no?" pinalo ni Saviel ang kamay ni Jasper dahilan para mabitawan nito ang sariling cellphone at napapakamot na lang sa ulo.

"Spotted a girl together with one of the famous band in Asia? Si Senri 'to ah?" bulalas ni Saviel at tumingin sa gawi ni Kuya Senri na nakasalampak rin sa sahig.

Nakapalibot silang lima sa lapag habang ako ay nakapangalumbaba sa single couch na kinauupuan ko. Nasa paanan ko si Kyle na naglalaro sa kanyang PSP at Kuya Senri na nagbabasa ng libro habang naka-headset. Sa bandang kanan naman nito Kuya Senri si Kaizen, katabi si Jasper na kaharap ko at si Saviel na nasa tabi naman ni Kyle.

May sari-sarili talaga kaming mundo kapag magkakasama at hindi ko rin alam kung paano nakakalaro ng chess ang tatlo ng sabay-sabay?

Umayos ako ng upo at naki-usyuso sa tinitignan nila habang wala namang pakialam si Kuya Senri at Kyle.

"Ano 'yan?" usisa ko.

Hiningi ko kay Sav ang phone ni Jasper at halos mabitawan ko 'yon nang makita ang isang picture kung saan naroon si Kuya Senri at isang babae na kasama nito.

'It was me.'

Binasa ko ang article at nakasaad doon na baka girlfriend daw ako ni Kuya Senri at pasikreto kaming nagkikita. Kaya nagkakagulo ngayon ang fans at nagtatanong sila kung sino ang babaeng kasama ni Kuya Senri. Maraming masasakit na salita ang nabasa ko pero agad kong ibinalik kay Sav ang phone ni Jasper.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon