Bullet 38 Krisis

8 0 0
                                    

ERNALINE'S POV:

"Sigurado ka ba talaga na hindi sila galit sa akin?" magkahawak ang mga kamay na tinatalunton ni namin ni Perth ang katahimikan nang pasilyo sa loob ng condominium building ni Kuya Senri.

Ayaw ko na sanang magpakita sa banda kasi nahihiya ako sa mga ka-dramahan ko sa buhay, kaso mapilit si Perth.

"It's fine. I think they will be surprised if I bring you there," aniya.

Sumakay kami nang elevator. Si Perth na mismo ang nag-press ng button kung saang floor naroon ang tinutuluyan naming condo. Kinakabahan at nahihiya talaga ako kasi gaya ni Perth ay iniwan ko rin sila sa ere noong mga panahong magulo ang isip ko at ang nararamdamang selos kay Serenity mula noong dumating ito.

Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang elevator at bumukas 'yon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Perth nang hilahin ako nito palabas ng elevator, kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Gusto kong tumakbo at magtago na lang kaso andito na ako, haharapin ko na lang ang galit nang mga kabanda namin.

Perth opens the door in front of us before we enter. Rinig ko na ang ingay ni Kaizen at Jasper na mukhang may ginagawa na namang kalokohan. Akala ko ay masu-surpresa ang mga ito but I was the one who surprised because of a certain person.

"Saviel?" naagaw ko ang atensyon nang lahat nang tawagin ko ang pangalan ni Sav. From Jasper, Kaizen, Kuya Senri, and Kyle, their attention are on me.

Nagkakasayahan ang mga ito sa sala.

"Kai pakisapak nga ako kung tama ang nakikita ko?" tanong ni Jasper kaya naman sinapak ni Kaizen si Jasper gaya ng hiling nito kaya nahulog ang lalaki sa kinauupuang sofa.

"Tangna! Bakit mo ako sinapak?" reklamo nito sa kaibigan.

"Sabi mo sapakin kita? Hindi ka nananaginip, gunggong!" balik na sagot ni Kaizen kay Jasper.

Masunurin talaga si Kaizen kahit kailan.

Grabe, namiss ko ang ingay nilang dalawa.

Magsasalita pa sana ako nang magsi-takbuhan ang mga ito palapit sa akin at dinamba ako nang yakap.

"Queen!" sigaw nang apat. Akala mo ay sampung taon kaming indi nagkita-kita.

Halos matumba ako sa lakas nang impact sa pagdamba ng mga ito sa akin. Nabitawan ko rin ang kamay ni Perth kasi may nagtanggal no'n at hindi ko kilala kung sino. Pinalibutan ako no'ng apat para mayakap, feeling ko mapipisat ako sa higpit nang yakap ng mga ito sa akin.

"Buti naman at naisipan mong magpakita?" pang-aasar ni Kaizen habang nakayakp pa rin sa akin.

"Alam mo ba nalungkot kami no'ng umalis ka?Hindi namin tinuloy 'yong mga projects hanggat wala ka." pagdadarama naman ni Jasper.

Bumitaw ang mga ito nang yakap sa akin at iginiya ako paupo sa sofa. Naiwan si Perth na nakatayo lang sa may pinto.

"Bakit naman hindi niyo tinuloy?" pang-uusisa ko.

"Hindi namin gusto ang kanta na ginawa ni Senri masyadong hugot, sad boy pa man din 'yan!" wika ni Jasper na nakatanggap ng suntok mula kay Kuya Senri.

"Do you want to see yourself hang from this building?" Kuya Senri gave Jasper a death glare.

"Di ka naman mabiro, pre? Alam mo namang mahal kita. Halika nga dito pakiss nga?"Jasper.

"Fvck off!" naiinis pang singhal Kuya Senri.

"Jas akin lang si Senri, huwag namang mang-agaw pre," singit naman ni Kaizen sa kulitan ng dalawa.

"Quit fooling around, you idiots," saway naman ni Kyle.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon