Bullet 35 First Fight

11 1 0
                                    

ERNALINE'S POV:

THIS is the first time I felt left alone and ignored. After Serenity arrives naitsapwera ang presensya ko dito sa recording studio namin. Bawat lingon ko Serenity dito, Serenity doon. And we even have a gig at Trev's bar without my knowing.

Ang sakit lang.

Ako dapat yung nasa pwesto ni Serenity. Two days have passed when the woman arrived, at bukam-bibig ito ng banda hanggang sa maka-uwi kami ng condo even when we are here at the studio, naririndi ako.

Even Perth's attention is all over towards her. Ano na lang ba ako dito? Rebulto? Ang ganda ko namang palamuti kung ganon!?

"So, do you still remember how D got embarrassed when we perform?" rinig kong sbit ni Jasper sa usapan ng mga ito.

Nanatili na lang ako dito sa isang tabi kaharap ang notebook at gitara ko. Sa loob ng dalawang araw na 'yon ay hindi ako nakikisali sa usapan nila kahit na isinisingit ako sa usapan, but I did not said any single word. Gusto kong umalis kaso saan naman ako pupunta? Wala si Saviel na pwede kong makausap even Sinji.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko habang patuloy sa pagsusulat. Hindi ko alam kung bakit napasulat ako ng kanta ngayon, maybe because of sadness wrap my whole system? Hindi naman ako attention-seeker lalo na pagdating kay Perth, pero ngayon pakiramdam ko ay gusto ko ang atensyon nito ay nasa akin lang.

"Of course, how can I forget that? Dezrail is so cute that time." Even Serenity's voice is like an angel, a beautiful melody rings from your ear you really wanted to hear over and over again. She's a perfect human who exists in this world, unlike me na naligaw lang sa mundo ng mga ito.

According to my research, Serenity Ford is an international supermodel and also a singer. Feeling ko nga nakita ko na ito dati kaso hindi ko lang maalala kung saan at kung kailan.

Hindi ko na pinansin pa ang pinag-usapan ng mga kasama ko nang simulan kong isalansan ang mga gamit sa bag pack na lagi kong dala pati ang gitara na nasa case nito ay isinukbit ko sa aking balikat at tahimik na naglakad. Papalabas na sana ako ng pintuan nang magsalita si Perth.

"Where are you going?" nagta-takang tanong nito pagka-lingon ko sa gawi nila. Lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin.

"Going home?" tipid na sagot ko.

"We're not done yet for our rehearsal Ernaline, tomorrow is the big day," ani ni Kyle.

"Ano namang gagawin mo sa bahay? We still have work to do," segunda naman ni Kaizen.

Tinignan ko isa-isa ang ekspresyon ng kanilang mga mukha na naghihintay ng sasabihin ko.

'Do I really need to stay if she's already here?' Gusto kong isatinig iyon sa kanila but I remain silent.

Tumayo si Kyle mula sa kinauupuan nito bago lumapit sa akin. "Masama ba ang pakiramdam mo Queen?" hinawakan nito ang siko ko kung saan nakahawak sa strap ng bag at gitara.

"I'm fine, Espasol. May pupuntahan lang ako bago ako umuwi."

"I can drive you home," aniya.

Marahan kong inalis ang pagkaka-hawak ni Kyle sa siko ko..

"I can handle myself, Kyle," bago pa man makapagsalita ang mga ito para pigilan ako ay tuluyan na akong lumabas ng pinto.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko kung mananatili pa ako doon at makinig sa mga reminisce stories ng mga ito when they were together. I had enough of their stories, ayaw ko nang malaman ang lahat kasi nakakasakit na.

Papasok na sana ako ng elevator nang biglang may humaklit sa bag na suot ko kaya napatigil ako. Paglingon ko ay mukha ni Perth ang bumungad sa akin.

"Are you mad?" usisa nito.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon