Bullet 20 HuPoFEL

97 7 0
                                    

SAVIEL'S POV:

DEZRAIL, Senri, and I decided to go to a certain hideout where the three of us only know when we find out what happened to Ernaline.

Pinauwi namin sina Kyle, Jasper at Kaizen dahil hindi nila pwedeng malaman ang gagawin namin.

"So, what should we do now?" usisa ko habang magkakrus ang braso ko sa ibabaw ng aking dibdib.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang taxi dahil hindi namin pwedeng gamitin ang van nang banda dahil hindi namin alam kung may sumusunod sa amin.

"We'll do something after we arrive there," sagot sa akin ni Senri.

Hindi na ako umimik pa at hinayaan na lang sila sa katahimikan namin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Dezrail nang makita niya ang CCTV footage sa loob ng kanyang mall. Walang CCTV sa loob ng c.r dahil private 'yun, ang tanging naging daan lang namin ay ang CCTV sa hallway ng employee's entrance. Inutusan na rin ni Dezrail ang mga tauhan niya sa mall para hanapin si Ernaline at ang janitor na dumukot sa kanya.

Tumigil ang taxi sa isang building nang mag-para si Senri. We are infront of his company named Kuruzaki Empire at dito kami kukuha ng panibagong kotse para pumunta sa destinasyon na kailangan naming tunguhin sa ganitong pagkakataon.

"Hindi ka kaya patayin ni Reiden pag nalaman niya ang nangyari?" wika ko kay Dezrail nang pumunta kami basement kung saan naroon ang kotse ni Dezrail.

"Reiden is in Montenegró right now having a hard time with those geezers," ani ni Senri.

Napangiwi ako. "Panget kabonding ng matatandang 'yon."

Pinagbuksan ako ni Senri nang pinto sa backseat nang marating namin ang kotse niyang Chevrolet Camaro ZL1 na bagong labas ngayong taon.

Nang maisara ko ang pinto at makaupo ako ng maayos, sumakay na rin sa harapan ang dalawa. Si Dezrail ang sa driver seat habang si Senri naman ang nasa passenger seat.

Senri and Dezrail are both members of a certain group in the underground world. They are also both crowned as Elite but Senri is higher than Dezrail regarding their ranks. Senri is the right-hand man of a certain Boss named Aqueros.

Pinasibad ni Dezrail ang kotse paalis ng Kuruzaki Empire at binaybay ang daan patungo sa HuPoFEL.

HuPoFEL is composed of assassins and all of the talented people are gathered. Those people inside of it have lots of multiple roles and missions. They don't kill, but they are all dangerous.

Makalipas ang ilang minuto, duman ang kotse na kinalulunaran namin sa isang masukal na daan sa paanan ng isang bundok. Walang sinuman ang naglalakas loob na pasukin ang bundok na ito dahil isa itong private property. Kahit ang gobyerno ay walang lakas na pasukin ang teritoryo na tinatahak namin ngayon.

Natanaw ko na na sa di kalayuan ang isang building na nag-iisang nakatayo sa gitna nang bundok at yun ang tinatawag naming HuPoFEL.

HuPoFEL or Human Potential for Evolution is Limitless ang tawag namin. Naglalaman ang building na ito nang iba't-ibang lahi nang tao na si Aqueros mismo ang kumukuha sa mga ito. I mean not totally kind of kidnapping. Ang mga myembro ng HuPoFEL ay may iba't-ibang kwento at ilan doon ay tungkol sa mga inabandona ng kanilang mga magulang, mga pagala-gala sa daan at ang iba ay na-rescue mula sa human trafficking.

Lahat ng mga nasa loob ng HuPoFEL ay may sari-sariling business kahit sa murang edad pa lang. Pero ang mga business na 'yun ay front lamang para magawa nila nang malaya ang misyon na ibinibigay sa kanila.

Assassins can work behind the dark and no one knows what are they going through while they working. While the Elite ones can do the physical things like guarding someone as what the clients need.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon