Bullet 7: Condominium

115 15 0
                                    

ERNALINE'S POV:

DALA ang sarili kong maleta, nakasunod lang ako sa grupo habang tinatahak namin ang isang pasilyo patungo sa condo unit na gagamitin namin.

Nagulat pa nga si Kuya Senri kung bakit daw kailangan naming manirahan sa iisang bahay pero wala siyang magawa dahil 'yon ang gusto ni Kuya Calvin.

"Should I carry your luggage?"

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Kyle at maglakad ito sa tabi ko. Nag-uusap si Kaizen at Jasper habang si Kuya Senri naman ay tila inaantok suot ang headphone sa tenga nito.

"Huwag mo akong ginugulat, Kuya Kyle," sambit ko dito.

Nagsalubong ang kilay nito bago inayos sa balikat ang nakasukbit nitong bag. Ako lang kasi ang may dalang luggage habang sila ay puro bag pack ang dala.

"Why are you calling me Kuya? We're just the same age," ani Nito.

"Sanay lang po," sagot ko dito.

Wala na akong nagawa nang agawin ni Kyle ang luggage ko hanggang sa tumigil ang tatlong lalaki sa harap ng isang pinto at agad na nagswipe ng card si Kuya Senri. Automatic na bumukas ang pinto kaya naman pumasok na silang tatlo at sumunod kami ni Kyle.

Bumungad sa amin ang sala, isang round stairs papuntang second floor, kusina at terrace.

"Your room is on the left side Ashleigh, it has a comfort room inside of it and a walking closet. If you need anything just ask me," baling sa akin ni Kuya Senri.

Tumango naman ako dito bilang tugon at akmang aagawin ko ang luggage kay Kyle nang ilayo nito 'yon sa akin.

"Ako na," aniya at nauna pang umakyat sa round stair nitong condo kaya naman sumunod na ako. Sinundan ko si Kyle at tumambad sa amin ang maraming pinto.

Kyle Lee Yoo, ang bassist ng banda. Akala ko noong una ay hindi siya palakibo tulad ni Kuya Senri at akala ko rin may sarili siyang mundo pero mabait naman pala ito. Merong sumasagi sa isipan ko na parang kilala ko si Kyle pero kahit anong pilit kong alalahanin 'yon ay hindi ko maalala kaya hinayaan ko na lang.

"These rooms on the right side, the first one owned by Kaizen," panimula ni Kyle.

May color coding ang pinto na siyang ipinagtaka ko. "Bakit may color coding yata ang pinto ng mga kwarto?"

"Calvin asked Senri to change it for you so that you can recognize our room immediately. These yellow doors are owned by Kaizen, the blue one is Jasper's room, the red color is mine and the black is for Senri. As for you, your room color is pink since you are a girl," pagtu-tour ni Kyle sa akin.

"How about that room that has a mix color of red and black?" usisa ko nang mapansin ang isang kwarto sa dulo ng hallway katabi ng kwarto ko.

"Oh, that one? Our former band leader owned it but he's not here so don't worry."

Naunang pumasok si Kyle sa pink na pinto kaya naman sumunod ako dito papasok. Napangiwi ako nang makitang puro pink ang paligid ako. Dapat white paint na lang ang inilagay nila sa room ko.

"Parang nahilo ako bigla sa room na gagamitin ko, pwede bang doon na lang ako sa black red na kulay ang pinto?" paghingi ko ng pahintulot kay Kyle.

"You don't like this room?" usisa niya.

"Well, I am not a fan of pink it's kind of a little bit awkward for me."

"Sure. You can use it if you want since it's a vacant room."

Napangiti ako sa sinabi ni Kyle. "Thank you!"

"So, I'll go to my room, I want to rest for now," paalam nito.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon