Bullet 48 Harmony

11 1 0
                                    

ERNALINE'S POV:

NAKANGITING pinagmamasdan ko ang aking kabuuan sa harapan ng isang full length body mirror kung saan nakasuot ako ng wedding gown na pinagawa ni Mommy para sa akin

An A-line dress is slim on top, fitted through the waist, and it softly flares away from the body, forming an "A" shape. A-line styles flatter almost any body type; they can add curves, create the illusion of length, emphasize a small waist, and downplay the lower body.

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at hindi man lang ako nag-atubiling tignan kung sino ang pumasok.

"Mukha kang tanga dyan." Napalingon ako sa taong kapapasok lang sa hotel room na inuukopa ko at napangiti ako rito nang lumapit siya sa akin at bigyan ng magaang halik ang aking sintido.

"Inggit ka lang kasi mauuna akong magkaka-asawa kaysa sayo," wika ko kay Kuya Reiden at saka ibinalik ang paningin ko sa harapan ng salamin.

Ang gwapo ni Kuya sa suot niyang black tuxedo, white long sleeve, black slacks, and his shoes. He looks like a King who can rule every kingdom in his nation.

"It is not a kind of competition, Ashleigh. It's either I wedded first or you it won't matter as long as you find the right person who gives you peace and happiness."

"Tumatanda ka na Kuya, kailan mo balak pakasalan si Ate Kastiel?"

Umangat ang kilay ni Kuya Reiden sa akin na tila hindi niya nagugustuhan ang mga katagang lumalabas sa bibig ko. "She's my secretary, baby. Why would you included her in our conversation?"

"Jowain mo na kaya ng matuwa naman ako sa'yo Reiden Grei?"

Kinaltukan ni Kuya ang tuktok ng ulo ko dahilan para matawa ako rito. Minsan talaga ang sarap asarin ni Kuya, kunwari pa siyang walang gusto kay Ate Kastiel pero nagagalit naman kapag may ibang lalaki ang lumalapit sa sekretarya niya.

"Before you think anything silly, let's go downstairs because Mom and Dad are waiting in the car. They don't want to get here baka umiyak lang daw sila at masira ang make-up mo," sabi ni Kuya Reiden.

Umangkla ang braso nito sa likuran ng bewang ko at iginiya ako palabas ng hotel room. Actually, si Kuya Reiden lang ang dumalaw sa hotel room ko at hindi man lang naisip nina Sav at Sinji na dalawin ako. Kung sabagay okay na rin 'yon dahil ayokong magdrama, at isa pa si Ate Kastiel ang maid of honor ko dahil ayaw tanggapin ni Sinji ang role na 'yon. Kaya ang ending si Ate Kastiel ang maid of honor ko at si Kuya Reiden ang best man ni Perth.

Maagap akong inalalayan ni Kuya hanggang sa makasakay kami ng elevator pababa ng ground floor nitong hotel kung saan naghihintay sina Mom at Dad. Nang marating namin ang groud floor, agad kaming lumabas ni Kuya sa elevator at iginiya ako patungo sa exit ng hotel. Nadatnan namin ang isang limousine at sa tingin ko pagmamay-ari 'yon ni Kuya Aqueros dahil nakita ko sa handler ang pangalan ng HuPoFEL.

Pinagbuksan ako ni Kuya Reiden ng pinto at nakita ko si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin sa loob. They both smiled at me as they see me approaching the car.

"Aw. My beautiful baby," bati sa akin ni Mommy at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

"I can't be with you guys, I'll use my car instead," wika ni Kuya habang nakadungaw ito sa bintana ng sasakyan matapos nitong isara ang pinto nang makitang maayos na akong nakasakay sa loob.

"Ayaw mo lang magdrama, eh." Pang-aasar ko pa kay Kuya Reiden. Inirapan lang ako nito bago umalis sa gilid ng sasakyan nang magsimula itong umandar.

Kinakabahan ako na nai-excite dahil ito na ang araw kung saan itatali namin ni Perth ang isa't-isa gamit ang banal na sakramento ng simbahan.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon