Bullet 34 Serenity

8 1 0
                                    

ERNALINE'S POV:

EVERYTHING went fast like a blast. My relationship with Perth was going smooth.

"Wala ka na bang nakalimutang bilhin?" Saviel asked me. We are currently inside the supermarket to buy some stuff. Buhay na buhay ang lugar na ito because Christmas Season is coming.

CDC's anniversary party moves out next year that's why we have a long vacation. Tinignan ko ang listahan na binigay ni Sinji and I doubled checked it as I tilted my head to Saviel.

"Already done with the list. Dalhin mo na 'yan sa counter," utos ko. Naunang naglakad si Sav papuntang counter, and I didn't mind where I am going when someone collides with me.

"I'm sorry," mabilis na iniangat ko ang paningin sa taong nakabangga ko and to my surprise it was Renal.

"Ashleigh?" gulat na wika nito. May kasama itong babae na ngayon ko lang napansin.

"Renal," nanginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga kasalanang ginawa niya sa akin at sa Kuya ko.

How come he's still alive?

"I'm sorry for everything I've done, Ashleigh," wika nito.

Naiilang na ngumiti ako kay Renal.

"It's fine." Iyon na lang ang nasabi ko kahit nangangatal na ang buong katawan ko sa takot.

"Shopping alone?" usisa pa nito. "Where's Dezrail?"

"Nasa bahay. Kasama ko yung kaibigan ko," mabilis na sagot ko.

"Oh, okay. Sorry but we have something to do pa kasi." tumango na lang ako kay Renal.

After Renal turned his back on me, he didn't bother to introduce that girl. It's not that important though, baka nga girlfriend ni Renal 'yon.

Tahimik na pumunta na lang ako sa kinaroronan ni Sav na tila walang nangyari. We were having a Christmas Party and after that, we will have a separate vacation.

Pagkauwi namin sa bahay, nadatnan namin ang magulong sala sa pangunguna ni Thud, Kaizen, at Jasper. They were playing cards with a twist. Napag-pasyahan kasi namin dito na sa bahay ng parents namin ni Kuya Reiden ganapin ang party para less hassle.

Malaki naman 'yong condo kaso di keri 'yong ibang tenants at baka maisturbo sa ingay namin. At saka pumayag naman ang parents namin to have this kind of party, nasa Canada kasi ang mga ito ngayon to have a vacation break from the stress I caused. Sinalubong naman kami ni Kuya Gun as we entered the door together with Perth. Perth gave me a peek kiss of my forehead before he snatches the things we bought from my hands.

"I didn't know you were out for a grocery?" ani ni Perth.

Tumikhim ako. Mukhang mapapagalitan pa ata ako ni Perth. Tinakbuhan ko lang kasi ito dahil tulog ito nang ayain ako ni Sav na mag-grocery so I didn't bother to wake him up at mukhang pagod na pagod - maybe from his work.

"Sorry," hinging paumanhin ko kay Perth. Hindi ko na rin sinabi sa kanya na nagkita kami ni Renal.

Tuloy-tuloy kami sa pagpasok hanggang sa kusina. Sinipa pa nga ni Kuya Gun yung paa ni Thud kasi pahara-hara sa daan. Kuya Luther, Kuya Rent, Kuya Trev, Kuya Reiden and the company are also here. And the other friends of Jasper and Kaizen, and yes lahat sila lalaki.

"What took you so long?" bungad ni Sinji sa amin pagkapasok ng kusina. Padabog na inilapag ni Saviel ang limang malalaking plastic bags na pinamili nami sa mesa bago nito hinarap ang babae.

"Kung makapag reklamo ka sana sumama ka diba? Hindi biro 'yong mga pinabili mo sa amin ang bibigat kaya niyan, tapos hindi pa maasahan 'yong mga lalaki dito!" namewang pa si Saviel sa harap ni Sinji sa sobrang inis.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon