Bullet 26 Lolo

75 8 0
                                    

ERNALINE'S POV:

KUYA Reiden decided to bring me at Montenegró dahil 'yun ang hiling nang Great Grandfather namin matapos nitong mabalitaan ang nangyari sa akin. Aniya, mas ligtas ako sa kanyang poder kung doon ako mananatili pero ayokong iwan si Perth at ang banda kaso wala akong magawa dahil pareho kaming takot ni Kuya kay Lolo.

"Pwede bang huwag na lang akong pumunta?" pagmamakaawa ko kay Kuya Reiden na nakaupo sa tabi ko habang inaayos ng crew ang gamit namin.

Bumaling ang tingin sa akin ni Kuya Reiden. "Relax, they won't eat you alive. Great Grandfather wanted to see you and that's all."

"Pero Kuya kinakabahan ako. Paano kung hindi na niya ako payagang bumalik ng Pilipinas? Paano ang buhay ko dito?" sunod-sunod na tanong ko kay Kuya Reiden.

Gusto kong bumaba mula sa eroplanong sasakyan namin ni Kuya at ilang minuto na lang ay aalis na kami. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Perth o kahit sa mga kaibigan lang namin at sa banda.

"Nah. Makakauwi ka pa rin naman so don't think too much about it," aniya.

Kilala ko ang ugali ni Great Grandfather kaya nga ayokong sumama sa tuwing umuuwi sina Mommy sa bansang 'yon. Buong ang ng Montenegro ay nasa bansa na 'yon at ang pamilya lang namin ang nakahiwalay dahil na rin sa kagustuhan ni Daddy na manirahan kami sa Pilipinas malayo sa karangyaang meron ang Montenegró.

Sumandal ako sa kinauupuan ko at napapikit na lang nang maramdaman kong gumalaw na ang kinalulunaran naming eroplano. Isang private plane ang sinasakyan namin na pagmamay-ari nang isa sa mga kaibigan ni Kuya Reiden. Mas mabuti na rin yon para naman mapanatag ang loob ko na magiging ligtas ang pagdating namin sa Montenegró.

Hanggang ngayon kasi ay kinakabahan pa rin akong bumyahe mag-isa. At hindi pa rin ako nakaka-get over sa trahedyang nangyari sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Kuya Gun at Perth, hindi ko maibabalik ang buhay na meron ako kaso panibagong problema naman ang susuungin ko.

Hindi ko alam kung ano ang dadatnan ko sa bansang 'yon mula sa pamamahala ni Great Grandfather. Isa kasi ito sa pinaka-respetadong tao sa bansa gayong isang angkan lang namin ang pinagmulan.

Montenegro is a Balkan country with rugged mountains, medieval villages, and a narrow strip of beaches along its Adriatic coastline.

"Ilang oras ba ang hihintayin natin bago tayo makarating?" wika ko dahil hindi ako mapirmi sa upuan ko habang nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan namin.

Samantala, abala si Kuya Reiden sa pagbabasa ng business magazine sa tabi ko na parang sanay na ito sa tuwing babyahe papunta sa ibang bansa. Sanay naman akong mag-travel kaso iba ang usapan kapag pupunta kami sa mismong bansa kung saan nagsimula ang aming angkan.

"More on three to five hours. Sleep if you want, you can't do anything about it but face those geezer. I am also there so you don't have to worry, I'm always by your side."

Kahit gustuhin kong kumalma dahil sa sinabi ni Kuya Reiden, hindi pa rin maiaalis ang takot at kaba na nararamdaman ko.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ko si Kuya Reiden sa sarili nitong mundo. Nakakatitig na lang ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang ulap.

"Ashleigh?"

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumatapik sa mukha ko kaya naman agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko si Kuya Reiden.

"We're here, get up," aniya.

Napabalikwas ako at tumingin sa bintana, lumapag na nga sa airport ang eroplanong sinasakyan namin.

"Kuya dito lang ako," sambit ko kay Kuya Reiden nang kunin nito ang bagahe namin sa compartment.

Kunot-noong tumingin ito sa akin.

Harmony Of BulletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon