"Ahhhh!" Hiyaw ng mga students sa loob ng horror house.Opening na pala ng university days, andaming booths ngunit mahal naman! Bente pesos WTF! Pambili na siguro yan ng cornetto.
Akalain mo ba namang mabenta pala etong horror house dito. Gusto kong pumasok, pero wala akong kasama. Hmmm
Naglakad ako papuntang council room upang kaladkarin sina Sweet at Patty para pumasok sa horror house. Sana andito sina Mari, haays 'bat ba kase nag abroad yung mga yun!
Sinilip ko ang loob ng council room, aha! Andito lang sila, mehehehe.
"Alam ko yung binabalak mo Kring." Grabe naging mind reader si Sweet!
"Ako pwede ako! Tara na! Bye Sweet!" Hinatak naman ako ni Patty palabas. Mukhang excited yata.
Nagmukha naman kaming mga bata sa linya sa sobrang pagka excited, grabe parang natatakot na ako! Andaming sumisigaw! Woo! Ang intense!
"Okay, next group."
Shitz eto na! Nako jusko sana hindi ako ma heart attack sa loob! Papasok na kami ni Patty sa horror house, mamamatay na yata ako sa higpit ng yakap niya, ugh!
Sa kakasigaw namin ni Patty ay di ko na namalayan na nawala na pala siya sa tabi ko, gosh! Baka nakuha na ng mga scary mascots! Sinisigaw ko ang pangalan ni Patty ngunit natatabunan ng sigaw ko ang nga sigaw ng mga kasama namin dito sa loob. Grabe di ba uso flicker lights dito?! Huhu Patty!
Nagdesisyon akong hanapin siya ng may humahabol sa aking naka maskara na clown na nagdadala ng chainsaw! Napa takbo naman ako at napakapit sa isa naming kasama, jusko huwag po!
Di ko namalayang sa kakatago ko sa damit ng kasama ko ay nasa labas na pala kami, grabe talaga! Super intense hanep! 'San nga ba si Patty? Nakooo!
"Oy nasa labas na tayo." Omg! Lalaki pala etong nakasama ko!
Bumitaw naman agad ako sa pagkaka-kapit sa kaniya, pagtingin kong ganiyan ay na diskobre ko na si Papa Josh pala eto! Homaygad kaya pala ang bango!
"Josh?! Mabuti naman at napadpad ka rito." Oyyy kunwari nasurprise
"Akala ko di mo na ako bibitawan, napa-pasyal lang. Gusto mo ng icecream? Libre kita."
Hindi parin ako nagsasawa sa warm smile ni Josh, syempre icecream na yan eh sumama naman ako, parang ang cheap kong babae pero bahala na!
"Kamusta? Lalo ka ng gumanda Kring. Anong secret?"
Oh shit ano bang sinabon ko? Ah oo nga pala! Gumamit ako ng perla!
"Okay lang, perla Josh, perla." Tumawa naman kami.
Nakaka miss pala yung highschool eh no. Mas namimiss ko sina Mari, haays.
"Sya nga pala, ikaw lang ba mag isa kanina? Wow tapang ah."
Teka
'San nga ba kasama ko?!
Oh no!
Tumakbo ako pabalik sa horror house, baka kinain na si Patty! Juskow!
"Pattyyy!" Ayon naman pala eh, nag dedecorate ng horror house.
"Oy, sorry kung nawala ako kanina. I need to do some repairs." Napaka artistic naman talaga neto! Tsk
"Ows? Sige gala muna ako!"
Umalis naman agad ako, teka? Asan ba si Josh? Nako naman oh! Bumalik naman agad ako sa icecream stand kung saan ko iniwan si Josh.
Pagbalik ko may nagpapapicture na sa kaniya, pssh not again. Umeksena naman agad ako
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Teen FictionThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!