Magkasama kami ni Sweet ngayon sa mall since may sakit si Patty, gusto ko bumili ng album ng exo since super late ako. Pero mas gusto ko sana yung kay G- dragon, pero ano ba?
Bigla namang naputol ang pamimili ko ng may notif ako sa facebook.
Deo tagged you in a picture
Hmm ano kaya to. Awwe yung ball picture namin ni Deo! Ang cute! Nilike ko naman yung pictue, parang napasama na yata ako sa collection ni Deo sa facebook. Tsk
Di ko parin mabura sa isip ko yung nangyari nung sa isang araw, bat ba ganun nalang magsalita si Karl? Type niya ba ako? Assuming Karina! Baka joker lang talaga si Karl.
------
Deo's POV
Loko talaga yung Karl na yun! Akalain mo ba naman na magkaparehas kami ng university na pinasokan, alam naman talaga niya na kahit anong gawin niyang pang aasar eh di parin ko siya papatulan. Mama kase eh, kung di niya lang sana ako pinipigilan edi sana nabugbog ko na si Karl.
Palibhasa brat talaga etong si Karl, daddy niya lang kase kasama niya minsan. Nasaan pala mommy niya? Ayun, sa bahay namin. Nakalimutan ko palang sabihin na half brother ko si Karl kay mama, astig eh no?
Hindi naman talaga kami magka galit ni Karl 'nun pero ng lumaki na kami at nagkamalay sa mga situation, parang may gap na samen ni Karl. Saming dalawa parang ako na yung kuya, ako nag tatanggol at ako ang umiintindi. Ewan ko baket napaka kalma ko kahit pinapagalit ako ni Karl, katulad ng kahapon.
Pero mukhang magiging kompetisyon samen ni Karl tong college, teka ano paba yung gusto niyang lamangan ako? Halata namang mas may looks siya, mas sikat, may utak naman.
Hays nako ewan ko talaga sa kapatid kong eto, pero sana naman hindi mapasama si Kring, nakakaawa pa naman 'yun haha ang cute nga eh! Maka post nga ng picture namen!
End of Deo's POV
-------
Kring's POV
Kanina pa kami pa libot-libot ni Sweet sa mall, wala parin akong mabili, maka bili nga ng bra. Pumunta naman kami ni Sweet doon sa may bra section, ayun enjoy na enjoy kami sa kakatawa ni Sweet, akalain ba namang gagawing cap yung bra! Adik!
Nagsusukat ng bra si Sweet habang ako naman ay namimili pa, mas cute ba yung wonder woman o yung lace? Hmm. Patuloy pa rin ako sa pamimili ng may lumapit saken. "Gusto mo tulungan na kita? Hmm mas maganda yung lace, halatang bagay sa'yo." Oy teka ang bastos neto ah, maka harap nga.
"Ah eh Karl, Hi? Mag isa ka lang ba?" Dali-dali ko namang binatawan yung mga bitbit ko, teka bat parang maniac etong si Karl? "Kasama ko friends ko, eh ikaw?" bigla naman kaming napatingin sa direksyon ni Sweet "Ah excuse me, Kring ayaw ko dito. Tara na."
Sama talaga ugali neto! Kita mong may moment pinuputol talaga! "Ah sige Karl bye." At umalis na kami ni Sweet. "Eh ikaw talaga noh panira!" Nag smile lang si Sweet at sinabi na "Mas mabuti ng habulin kesa mang hahabol."
Teka, kelan pa naging deep etong si Sweet? Iba talaga epekto ng mall ah!

BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Teen FictionThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!