Chapter 7

53 3 0
                                    

Haay! Monday na naman nakapagod. Puro may math yung subjects namin ngayon! Nakakasuka yak. Teka 'bat andaming ayaw sa math? Ang sarap naman magbilang ng pera diba? Naglalakad kaming pito sa hallway ng may nakita si Mari sa bulletin board.

"Entrance exam this January 25.

Where?: Room 204 HS building.

What School?: USC"

Pagkatapos basahin ni Mari ang nakasulat sa bulletin board ay biglang nagtakbohan sina Cath at Patty, mukhang interesado yung dalawa ah. "So anong plano guys? Take din tayo? Next next week pa naman." Sabi ni Mari.

"Ah pass muna ako." Wala pa kase akong plano sa university na papasukan ko ehh. Pumasok na kami sa classroom, 'bat iba ang atmosphere ngayon?

-------

Ahh! Nakauwi na rin! Ang sarap ng kama koo! Teka maka pag stalk nga ulit. Pampagana ng pag study hehehe.

May ask.fm pala si Karl? Matignan nga hmm. Awwe ang cute ng mga sagot niya! Kahit medjo spj na 'yung tanong nagagawa parin niyang nakakatawa! Nahuhulog na talaga ako sa kanya~haays~

San ka po magkaka college?
Uhm. USC maybe :)

What the carabao! 'Bat sa USC?! May university naman dun sa kanila ah?! Lord are we really meant to be?

Nagtext ako kina Patty na mag eexam na ako para sa USC, dapat mag study na talaga ako!

Apat na oras na ang lumilipas, 11pm na! Wala parin akong nababasa na lessons kahit isa. Nako naman pano ba'to! Hindi ako makapag concentrate sa dami ng pictures na dinownload ko. Para may pang wallpaper naman ako na good for 1 month. Ayos diba?

Ah bahala na matutulog nalang ako!

-------

"Oh nag aral ka na ba?" Tanong ni Sweet, ngayon na kase kami mag eexam para sa USC. Andaming tao'ng nakapila! Nakaka hilo, pero kakayanin ko'to para sa babylove ko na si Karl. Magkikita rin tayo babylove.

Ang dali naman ng mga questions na'to! Napaka basic! Pero ang tanong, tama ba ang answers ko? Hehehe nevermind~

Naisipan kong mangopya kina Patty pero 'wag na, baka tritriple yung kamalasan ko! Tumingin tingin ako sa paligid ng makita ko si Deo na malapit ng matapos sa pagsagot. Hehe ansarap niyang tignan, teka 'san na ba ako? Malapit na siyang matapos pero ako nasa 37 out of 100 pa! Talaga naman oh!

Well you know ang secret lamang diyan ay ang mahiwagang innie minnie miney mo (di ko ma google ang spelling hehe~) may 50%  chance ka na tama ang sagot na hinintoan ng iyong daliri matapos kantahin ang mahiwagang chant na yan. Diba anggaling?!

Natapos rin ako! Sana naman pumasa ako. Next week pa naman yung results, sana maka pasa rin si Karl para magiging College buddies na kami or more than that ahihi~

"Sa pagsurvive kanina sa exams! Cheers!"

Andito kami sa isang milktea shop, nagcecelebrate kami na parang naka pasa kami sa aming career choice. Engineering yung pinili ko. Lakas maka trip ah! Engineering kinuha pero yung math kanina iniyakan lang. Wow.

Ano kaya ang course na pinili ni Karl? Hmm

A/N: Sorry sa short update :( Promise gagandahan ko na yung next chapters with flowers and everything haha!

Perks of being a StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon