Grabe, 1st week palang nga classes parang susuko na talaga nga mata ko, 'bat ko ba naisipan mag major sa math? San ba ako magaling? Edi sa landian! Speaking of landi matignan ko nga etong si Karl.
Waaah! Ano ba naman tong si Karl, kahit nakaka haggard yung subject nako! Napaka ulalam parin! Teka sino ba etong katabi niya? 'Bat ang clingy niya?
"Bam, what do you want for lunch?" Bam? Hmmm. Baket ngayon ko lang eto namalayan? Infareness ang puti niya.
"Uhm, I don't know, surprise me then. Sama natin sila Ranz?" Surprise me? Oy iba nato! Maki singit nga!
"Ahh excuse me iihi ako." Ano ba yan ang pangit ng excuse ko, ah bahala na!
Since malapit naman sa cr yung room nina Patty eh naisipan ko munang mag babye sa kanila, bigla naman akong napa AY POCHA! ng may kumurot sa pisngi ko. "Oy bawal cutting classes dito." Kelan pa naging security guard si Deo?
"Bawal bang umihi? Tss. Bye na nga." Pagbalik ko ay biglang tumingin si Prof saken, hala! Nakalimutan ko'ng magpa alam! Lagot!
"Dito ba class mo iha? Mas mabuti pa at kunin mo na ang bag mo at lumabas ka na." Tumawa naman lahat ng kaklase ko pati si Karl, bat ang sama nila? Parang maiiyak nako sa hiya kayat kinuha ko ang bag ko at tsaka lumabas.
Naisipan ko munang pumunta sa cafeteria at umiyak ng patago, grabe parang nahihiya ako kay Karl na parang naiinis, di lang naman naawa?
"Oh bat ka andito? Diba pumasok ka na kanina?" Umupo naman si Deo sa tabi ko na may bitbit na libro. "W-wala ka bang class ngayon? Wag mo na akong samahan." Pinunasan ni Deo ang aking mga luha, shocks nakakahiya! Mas lalo akong nahiya na naglabasan na lahat ng mga kaklase ko. Shocks! Please Karl wag mo akong tignan!
--------
"Sabi ko naman sa'yo eh na terror talaga mga prof dito, kaya sa susunod, wag tanga okay?" Pangaral ni Patty.
"Eh kase nga nag seselos ako, sino ba masisisi mo? Inlove yung tao eh." Sagot ko naman.
"Hay nako mas mabuti pa at pumasok na kayong dalawa kase ako, uuwi na ako. See ya!" Talaga naman etong si Sweet, ang presko ng mga sched.
Papunta pa sana ako sa building ng next sub ko ng namalayan kong may sumasabay sa'kin. Paglingon ko ng ganiyan parang mala anghel ang bumungad sa'kin na mukha, para yatang mala Christine Reyes sa ganda.
"Hi, Bam pala, mind if I join you?" Waaah! Lahat yata ng insecurities ko eh taglay niya, pucha edi wow! "Ah eh oo naman hehe." At nagsabay kaming naglakad.
Kung pips lang eto ni Karl eh ang tanga naman niya, maganda si Bam, spoken in dollar, mukhang matalino naman at sexy. San paba ako pupulutin nito? Sa kombento? Haays.
Sadiyang boring talaga ang subject na eto kaya naisipan ni Bam na kausapin ako. "Uhm, mind if I ask kung ano kayo ng guy kanina? He's cute!" Anak ng pocha ang ganda mo na! Nasayo na nga yung baby Karl ko pati si Deo aagawin mo? Edi wow!
"Ah eh, kaklase ko dati yun tapos naging close." At tsaka first kiss! Oh ano?! "Oh, I see." I see mo mukha mo!
Natapos na rin! Hay salamat makakawala na ako sa insecurities ko! Palabas na sana ako ng hinabol pa ako ni Bam. "Wait! Can I atleast get your number?" Sa charming ng smile niya baka yung ebola magamot niya, magiging tboom na yata ako neto.
"Here, I need to go! Bye Bam!" Pssh. Di naman ako tinuroan ni mama maging plastik, pero wala eh.
A/N: Maraming salamat sa mga bumabasa ngayon! You're my inspiration! Mwuah! Huwag niyo po akong iwan!
![](https://img.wattpad.com/cover/30742676-288-k582583.jpg)
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Fiksi RemajaThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!