*bzzzz*
Ang aga-aga mag ring ng phone ko, ano ba meron ngayon? Wala namang mag bibirthday sa barkada ko ah? Matignan nga.
From: Patty
Interview ngayon sa university, wag kang ma late!
Omg! Hala! Ngayon pala yun?! Dali-dali akong kumain at naligo, grabe para akong hinahabol ng kabayo. Well nag decide ako na mag jeans and white v-neck nalang ako para maiba. Teka! Baka bastosin ako ng mga lalaki dun? Aysh bahala na!
Naglakad lang ako patungo sa university since walking distance lang naman yung bahay namin sa university. Bigla akong napa HESUS MAREOSEP! May bumusina sa likod ko! Ang sama talaga ng ugali! Kita mong andito ako sa gilid ng daan tapus bubusinahan pa ako?! Sige hala akoin niyo lahat ng space!
Nagpatuloy ako sa paglakad ng mapansin ko na sumusunod yung sasakyan saken, di kaya't eto yung grupo na kumukuha ng kidney? Hala takbo!!!
Tatakbo na sana ako ng sumigaw si Deo mula sa bintana, "Bat ka tumatakbo? Di naman ako gwapo para iwasan diba?" At nag smirk siya. Anong connect sa gwapo at iwasan? Adik talaga eto oo!
Nag bigay lang ako ng kadiri face sa kaniya at naglakad ako ulit, anong problema niya? "Talagang tanga ka nga, di mo ba na gets na pa sasakayin kita? Hays nako Ms. Santos halika na nga." Ayon naman pala eh! Sumakay naman din ako para ma lamigan naman etong ulo ko.
May inabot si Deo na isang hand outs na ewan ko para saan. "Ano to?" Tanong ko kay Deo. "Basahin mo para hindi ahh or hehe ang isagot mo mamaya." Anak ng?! Hindi ako ganun ka bobo noh! "No thanks, my answers are better than that." Awwws! Kainin mo yan Deo! Tumawa lang si Deo.
Nakarating na kami sa university at nakasalubong namin sina Sweet at Patty, teka bat kulang? Nasan na yung ibang apat?
"Bat wala pa sina Cath, Gwen, Joj at Mari?" Sumagot naman si Sweet "Ah nakalimutan nilang sabihin sa'yo na sa US sila mag cocollege, ewan ko kung anong trip nila tita. Sana sinama tayo noh?" Anak ng sosyal pala etong apat nato oh! Iniwan pa naman kami sa Pilipinas! Tss.
Pumila na kami at nakita namin si Deo na papalabas palang ng guidance, bat ang unfair?!
Grabe parang hindi umuusad ang linya, kinukuha ba ng guidance yung kidney nila? Grabe ang init.
Siniko ako ni Patty at tinignan ko ang direksyon kung saan siya naka tingin. Omg! KAAARL! Tumalikod ako at inayos ang buhok ko. "Sweet, Patty, tatawa tayo ng malakas." Sumagot naman si Patty, "Adik ka ba? Sige!" At tumawa kami ng malakas. "Hahaha bat ba tayo tumatawa? Hahaha" sinagot ko naman si Sweet. "Hahaha para mapansin ako ni Karl! Haha!" binatokan niya ako "Adik talaga kayo, sige pasok na ako, mag prepare na kayo ha."
-------
Hay salamat natapos rin kami, naglakad kami patungong gate ng makita naman ulit namin si Karl kasama ng mga pips niyang halata namang rich kids, kung maka english akala mo US? tsk.
Namalayan naman ni Karl na tumitingin ako sa kaniya kaya't tumingin naman siya sa direksyon na naroon ako, maygad ang lakas ng tibok ng aking dibdib, feeling ko talaga sasabog na ako. Tumingin nalang ako sa cellphone ko para hindi niya ako mahalata, makapag tweet nga!
Omg ang gwapo talaga niya!
Tweet posted! Hays naman kahit isang follow lang sa insta o twitter okay lang Karl!
Umuwi na kami nina Sweet since nakakapagod palang mag enroll at tsaka nag interview. Tumingin ako sa notifications ko sa twitter, bruha talaga etong si Deo! Feeling! Alam ko na may feelings pa ako kay Deo pero pag andiyan na si Karl? Sorry Deo pero kay Karl talaga ako! Matignan nga etong reply ni Deo.
@kringsy Alam ko
Panira talaga etong si Deo! Urgh! Talagang bad trip na bad trip ako kay Deo ng may notification na naman ang aking twitter. Grabe naman Deo wag ngayon! Pagtingin ko ay merong...
Karl Vasgez started following you
LORD SALAMAT SA LAHAT NG BLESSINGS NA IBINIGAY MO SAKEN KAHIT MALANDI AKO AT EWAN SALAMAT PARIN! Una natanggap ako sa course ko na engineering kahit di ako nakapasa, second nag follow si Karl! Ano bang gagawin ko neto? Dapat bang palitan ko yung DP ko? Yung mas sexy? Pwede naba akong mag DM sa kaniya ng thank you? Ano ba! But first ishare ko muna eto kina Sweet!
A/N: Sorry sa late UD's, nakak stress kase yung exams ko! Hehe enjoy!
![](https://img.wattpad.com/cover/30742676-288-k582583.jpg)
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Genç KurguThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!