(Patawad sa napaka ikling update. Enjoy!)
"Anak kain ka na." Sabi ni mama, wala akong ganang kumain eh, di kase ako naka pasa sa engineering. Di ko matanggap. "May problema ba anak? Halika sabihin mo kay mama." Naawa na ako kay mama, sige sasabihin ko nalang lahat.
"Anak naman eh pwede namang sa ibang course ka nalang, at 'san mo ba nakilala yung Karl na yan? Ka eyebol mo ba?" Ays mama naman so jeje. "Natatakot lang ako mama dahil ayokong sa ibang university mag-aral dahil andun sina Patty, ma sa internet po iyon." Nako nako ang cute ng reactions ni mama. Niyakap niya ako at dinala sa hapag kainan.
------
Andito na ako sa school at wala paring gana, makapag mobile data nga. Andito na naman ako sa profile ni Karl, hindi talaga ako magsasawa sa kanya promise!
"BOLAGA!"
"AHDVJDNXUSKJA!!!! Kayo talaga! Gusto niyo ba akong atakihin sa puso?!" Barkada naman oo!
Tawang tawa lang naman sila sa reaction ko, wow! Nagsalita si Mari "Binubuhayan ka lang namin eh, napansin kase namin na wala kang gana. Okay lang yun! Wag kang mag alala andito parin kami sa tabi mo." Naks! Naiiyak ako! Ansarap sa feeling.
"Sino ba yang palagi mong tinititigan ha?" Tanong ni Gwen.
"Ah eh si Karl Vasgez, future bf ko ahihihi~" inagaw ni Joj yung phone ko at tinignan. "What?! Parang si.."
--------
Tinitgnan nila ang larawan ng tatlong mga lalaki, kinukumpara at binabaliktad, abnormal talaga! Parang nag eexperimento ng chemicals sa lab sa intense ng ginagawa nila.
"Oh ano na? Agree ba kayo?" Tanong ko sa kanila. "May nag eexist palang tao na ganito noh? Parang hinalo-halo!" Sabi ni Cath.
"Hoy kung makapag exist ka parang sinabi mo na alien yung babylove ko! Akin na nga yan!" Sabay agaw ng phone ko.
"Kaya pala tamang-tama ka kay Karl." Sabi ni Patty.
Oh ano curios kayo? Gusto niyo ng sagot? Abangaan.
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
JugendliteraturThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!