Sa wakas! Buhbye first sem! Hello sembreak! Nakaka pangit talaga kapag naging hardworking student ka, choss.
Asan na ba si Karl? Akala ko ba mag da-date kami ngayon, Im sure busy na naman. Nanliligaw na kase si Karl pero hindi ko ba sinasagot, ewan ko ba 'bat nagiging pa hard-to-get ako ngayon, halata namang ako talaga yung gustong-gusto.
Habang nag hihintay sa canteen ay naisipan ko nalang kumain ng burger, mukhang tumataba na yata ako ah. Haay nako nakaka stress!
"Oy."
Ayan na naman si Deo
"Hi." Sagot ko sa kaniya
"Mukhang nagbago ka na yata ah." Habang tumitingin si Deo sa walang kawalan.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
Huminga muna siya at nagsalita
"Hindi ka na yung dating Kring na nakilala ko, nahawa ka yata kay Karl."
Nagbago? I don't think so. Nainlove lang naman ako ah? Di naman yata ako naging Ms. Meanie. Ewan ko ba kay Deo, at tsaka anong pake ko sa POV nya? Duuh
"Adik ka talaga Deo."
Tumawa naman siya
"Better not to love those dangerous once."
"Dangerous once? You mean Karl?"
Tumawa lang siya
"Andiyan na si Karl, aalis muna ako." At umalis naman siya agad.
Dumating naman agad si Karl sa tabi ko, ahh best feeling ever.
"Hey beautiful." Oh see? Karl isn't that dangerous, nakakapatay lang siguro kilig.
"May party kami mamaya ng friends ko, sama ka?"
"Sure." Nako naman isasama pa talaga ako!
"So hatid na kita? I'll fetch you later."
"Sige." At sumakay na kami sa kaniyang sasakyan.
Parang kelan lang yung atat na atat talaga akong sumakay rito, parang fairytale ride lang ang peg. Ngayon ibang iba na, para bang normal nalang eto.
"See you later princess."
Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa harap ng bahay ko. Bumaba naman ako at nag bye.
------------------
"Andami yatang tao Karl." Andito na kami sa party ng kaibigan niya.
Parang normal nalang kay mama na gabi-gabi na kaming gumagala ni Karl, ang laki talaga ng trust ni mama kay Karl.
"Don't be shy, pasok na tayo?"
Gosh andami talagang tao, hindi panga nag uumpisa parang lasing na silang lahat. Yolo naman kase etong mga friends niya eh pero hindi naman bad.
"Oh andito na pala kayo, may food sa loob."
Nag nod naman si Karl at umalis na kami. Sa sobrang lakas ng music ay hindi ko na yata marining ang mga sinasabi ko kay Karl, ngayon palang ako naka punta ng party na ganito.
Kumuha na ako ng pagkain at inalokan si Karl,sa halip na pagkain ang kinuha ni Karl ay kumuha siya ng drink sa mini bar.
"Oy bawal yan, hindi kapa kumakain."
"Okay lang, kumain naman ako kanina."
Binaliwala ko lang naman ang pag iinum ni Karl at kumain nalang ako. Napansin ko lang, parang iba yata ang kinikilos ni Karl, may problema ba? Is it me?!
Natapos na akong kumain pero hindi pa yata tumitigil si Karl sa pag inom.
"Dito ka lang ha, I'll go to my friends muna."
Nag okay naman ako, ayoko namang ma bored siya, hindi naman ako nababahala dahil kitang kita lang dito ang pwesto ni Karl at kaniyang mga kaibigan.
Teka asan kaya si Bam? Napaka odd naman if hindi siya invited sa party na eto.
Sa kakahintay ni Karl na bumalik dito parang naiihi ako, maka alis nga.
Natapos na akong umihi at tumingin naman ako sa salamin, napansin kong may dumadating.
"Hi Karina."
"Hi Bam! 'Bat puyat ka yata?"
Salamat naman at nakapunta si Bam, hindi ko pala naekwento na naging close na pala kami dahil kay Karl. Hindi ko lang ma gets kung mukhang stressed out ang mukha niya ngayon.
"Ah di pa naka get over sa finals."
Tumawa naman ako
"Ah Bam alis muna ako."
Pinuntahan ko naman si Karl, mukhang okay pa naman siya.
"Are you okay? Huwag masyadong uminom ah."
Ewan ko ba kung anong nainom ni Karl kung bakit ang maniyak niyang tumingin ngayon.
"Oy Karl."
Diretso niya naman akong hinalikan.
"Don't worry nga, okay lang ako diba?"
Sumang ayon naman ang kaniyang mga kaibigan, parang nainis naman ako ng hinalikan niya ako sa harap ng kaibigan niya. Pero bahala na.
Bumalik naman ako sa puwesto ko habang pinagmasdan si Karl. Napansin kong tinitignan niya ang cellphone niya at biglang umalis.
Nasundan ko siya sa CR at nabigla ako ng bigla nalang siyang pumasok sa female na CR. Papasok na sana ako ng may narining ako na iyak ng isang babae.
Sinubukan ko namang maging ninja para iwas disgrasya. Baka lasing lang talaga si Karl kaya hindi niya namalayan ang ipinasok niya, pero 'bat may umiiyak? Don't tell me naging horror na etong life ko.
Sumilip naman ako ng nakita ko na umiiyak si Bam sa harapan ni Karl.
"A-anong problema?"
Nabigla naman si Karl na makita ako habang si Bam ay may tinatago sa likod.
"It's not what you think babe." Habang papunta si Karl sa harap ko.
Bigla ako nakaramdam ng takot at sakit sa dibdib ko, please ayokong masaktan.
"Bam ano yang sa likod mo?" Kinuha ko naman eto ng pwersahan at nabigla ako.
Napaiyak nalang ako sa sakit ng naramdaman ko, parang akong idinurog, para akong nasagasaan ng tatlong malaking truck ng bigas.
"I-i'm sorry." Sabi ni Karl.
Sinampal ko naman siya at hinirangan ako ni Bam.
"Kelan pa?! Kelan pa Karl?! Leche! Hindi ko maintindihan kung bakit niyo ito nagawa!" Umiyak ako habang nasa kamay ko parin ang pregnancy test na may positive sign.
Niyakap naman ako ni Karl pero pilit kong naka wala rito.
"Yan! Ganiyan ang napapala ng mga taong mangloloko! At ikaw Bam! Makati ka!" Sabay sampal sa kanilang dalawa.
Wala naman akong right na magalit dahil hindi naman ako girlfriend ni Karl, pero pinaasa ako, umibig, at nagtiwala.
"Karina I love you! Hindi ko sinasadiyang makipang ano kay Bam, we were drunk that time. Please 'wag mo'kong iwan."
Sa sobrang galit ko ay umalis na agad ako, tama pala si Deo. Sana nakinig nalang ako.
#HUGOAT for Ms. Author! Hahaha sorry natagalan! Enjoooy
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Teen FictionThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!