Waah! First time ko na ginabi sa kaka-aral sa library, akalain mo naman na mag rereport ako sa math, tss. Di pa ba makaka get-over si prof? Oveer!
Habang naglalakad ako may napansin ako, bat may tunog foot steps? Sa pagkaka alam ko wala namang ibang tao sa hallway malapit sa library ah?
Kinikilabutan ako sobra! Kaya naisipan ko nalang magpa music ng mga worship songs, gagabayin sana ako ni Lord neto!
Teka, magkakalahating oras na ako pa lakad-lakad dito pero wala parin akong exit na nakikita.
Papalapit din ang mga foot steps na naririnig ko, jusko!
Tatakbo na sana ako ng may humila saken, sa sobrang dilim eh di ko siya makilala, pero pamilyar yung boses at amoy.
"Shhh wag kang maingay." Huh?!
"B-baket?" Nanginginig kong tanong.
"Ma eexpel tayo dito pag nakita tayo ng security na andito pa rin sa school."
Wah? Parang highschool ang peg netong university ah? Teka bat ba siya andito?
"Tara na natatakot na ako, teka sino ka ba at baket kaba andito?"
"Basta, tumahimik ka.." Napaka mesteryoso naman neto.
"Sige ka sisigaw talaga ako, 1..2..thre- HOY!" Sabay
Lagapak ng kamay ko kung saang bahagi ng katawan niya ang tinamaan ko, akalain mo ba naman!
"Araay! Madilim kase eh kaya't akala ko mukha mo yung nahawakan ko, eh yung ano pala.." Patuloy ko siyang hinahampas hampas at sinasabunotan, lecheng lalaking eto! Di ko kakilala pero naka second base na! Boshet!
"Aray! Sabi na kaseng di sinasadya! Halika nga!"
Puta...
Madilim naman...
Baket natamaan?...
Ang dumi ko na...
Humanda ka saken!!
BOOOGSH! Isang masakit na suntok lang naman ang ibinigay ko sa kaniya! Walang hiya!
"F**k stop it! Could you please calm down?! Kung huminto ka na kanina edi sana hindi kita nahalikan, daldal mo kase eh. Eh yan tuloy."
Kinuha ko yung phone ko at inilawan ang mukha niya, HOMAYGAD! KAARL?!
"K-karl?!"
Natawa naman si Karl sa reaction ko.
"I can't believe how things are going too fast, last week seatmate lang kita, ngayon kahalikan na, anong sunod Ms. Santos?" Halata naman sa boses ni Karl na tawang tawa sa nangyayari, habang ako hiyang-hiya.
Akalain mo ba naman na halos patayin ko na siya kanina, at tsaka nadudumihan ako sa sarili ko! Dalawang lalaki na dumaan sa mga labi ko, so clumsy! Pero deep inside para akong nanalo sa lotto, ang swerte ko!
"Tara na, I think wala na sila. Buti nalang andito pa ako." Na curious naman ako kung baket andito pa si Karl sa campus kaya't nag tanong nalang ako.
"Bat andito ka pa? Gabi na ah." Kinuha naman niya ang phone niya sa bag at inilawan niya and hallway.
"Dance rehersal kase namin kanina at nakatulog ako, ang bait naman talaga nila Ranz dahil iniwan pa ako." Ang cute talaga ng mga reasons ni Karl!
Ng makalabas na kami sa school gamit ang isang maliit na butas sa may gym ay dumiretso kami sa isang convenient store.
"Pili ka na, I'll pay." Nako naman! Magiging rapunzel na ako neto!
Since ayaw ko naman maging pabigat so nag order nalang ako ng frappe. Umupo kami sa bandang sulok ng parking lot at patuloy sa pag kain.
"So is it your first time?" Pinigilan naman niya ang kaniyang pag tawa, leche naman neto oh 'bat di pa niya nalimutan. Di naman ako umimik dahil silence means no for me.
"Wooh, okay I'll stop. So, kelan na kayo mag on ni Deo?" Nabilaokan naman ako sa tanong niya, mag on? Hay sana.
"Ah eh, friends lang talaga kami ni Deo, schoolmate at date ko siya sa ball namin nung highschool." Napa tango naman si Karl.
"Oh, I thought type ka niya, buti nalang hindi." Huh?!
Kaano-ano ba sila ni Deo? 'Bat may something fishy? Maka tanong nga.
"Pwede magtanong? Anong connect niyo ni Deo? Last week kase eh kinausap mo siya, close ba kayo?"
"Long story short, yes magkakilala kami and connected kami in some ways." Hmm, na curious ako lalo.
"Some ways? Ano yun?" Please answer it Karl.
"You'll find out soon shortcake, mabuti pa at iuuwi na kita sainyo." S-shortcake? So, close na kami? Awwe! Ano kaya itatawag ko sa kaniya? Bebe? Buko? Bro? Boss? Mine? Partner? Ah bahala na!
Naglakad kami pabalik sa school, wow! Di ko naman akalain na marunong pala mag drive yung bebe ko! Ihahatid niya ba ako? Omg!
"Sakay na shortcake." Well pa virgin naman ako kaya't sa likod lang ako sumakay, natawa naman yata si Karl sa kinikilos ko.
"I guess andito bahay niyo." Huh? Bat niya alam?
"Hindi ako stalker ah pero nakalagay kase sa ID mo, here. Ang clumsy mo kase eh. Have a great night." kinuha ko naman and ID ko at bumaba, syempre nag thank you naman ako.
Ang sarap ng gabi ko, parang gumanda ako ng nga 60% Haays sarap sa pakiramdam. Di ko namalayan na andiyan pala si mama sa gate nag hihintay. Patay!
"Baby, sabi ko sayo wag muna mag boyfriend." Mama talaga oo!
"Ma hindi ah! Crush lang po." At tsaka pumasok na ako.
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Novela JuvenilThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!