Chapter 21

42 1 1
                                    

"Anak gising na." Tawag ni mama sa labas ng kwarto.

"Oo ma." Parang wala akong gana umangat, ang sarap mag moment sa kama ko. Awwe~

Hindi na siguro napigilan ni mama na maghintay kaya't pumasok na siya sa aking kwarto.

"Anak, may problema ka ba? 2 weeks ka ng ganyan." Huh?! Baket?

"Ang alin po ma? Wala naman." Linapitan naman niya ako. "Palagi ka ng tulala." Ahh oo, eh kasi di pa ako naka get over kay Karl. Parang ewan! Yung tipong nahihiya ka na.

"Ah wala po to ma, maliligo na po ako."

-------------

Papunta na sana ako ng room namin na biglang may nag text.

From: unknown number

Wala si sir ngayon, may hand-outs ako na ibigihay niya but first, halika muna sa library.

Huh? Ang weird naman ata neto! Matawagan nga.

"Hello? Sino to?" Sabi ko

"Guess." Hmm pamilyar ang boses, di ba pwedeng si Deo eto?

"Sino ka nga ba? Si Deo ba to?"

"Tss, Deo na naman? Meet me at the library NOW or I'll leak something." At binaba niya eto. Hala?! Ano daw?! Leak?

Dali-dali akong tumakbo papuntang library, ng naka abot na ako nadatnan ko naman si Karl sa labas.

"Ahh excuse me." Dapat mahanap ko na yung ewan na lalaki.

Hinila naman ako ni Karl pabalik.

"Sino na naman ang hinahanap mo? I'm the one who called you kanina. Tss Karina." Ha?! Si Karl pala yung lalaking ewan?! Pano niya nakuha number ko?

Iniabot niya yung hand-outs na ipinabigay ni sir samin, omg ang sweet!

"Oy anong leak?" Tanong ko sa kaniya, di ko kasi parin ma gets.

"Ikakalat ko yung nangyari satin, yun lang. Btw come with me, may pupuntahan tayo." Ha?!!!!!!! Nako wag na!!!! Pero san naman yata kami pupunta?

Hinatak niya lang ako patungo sa sasakyan niya at ng maka abot kami sa lugar na pupuntahan namin ay napansin ko na andito na kami sa tapat ng isang bahay, bahay yata nila? What?!

"Labas." Grabe kung maka sabi ng labas parang aso niya lang sinabihan niya.

Ng pumasok kami sa gate ay may sumalubong samin na isang malakii-aray! Natumba ako ng pinaglalaroan ako ng aso nilang pitbull. Alam ko naman na ala dog whisperer ako pero wag naman sana ngayon huhu.

"Ikaw yung pinaka unang babae ang di natakot kay Jacky." Awwww parang na touch naman ako dun.

Hinatak niya naman ako ulit sa isang kwarto, kwarto ata niya? Bat napaka boring naman ng bahay nila? Teka kwarto ba talaga pinasukan namin? Oh no!

Pinaupo niya ako sa kaniyang kama habang may kinukuha siya mula sa walk-in closet niya, wow bongga.

"A-anong gagawin natin?" Nangangamba kong tanong.

"Doing our second session." Habang nag uunbotton ng polo niya.

"Hesus maryeosep Karl maawa ka! Maniwala ka o hindi pero virgin pa talaga ako promise!" Habang lumuluhod sa kaniyang harapan.

"Haha! Ms. Santos, I know I'm irresistable and too hot for you to handle but we're not here to lose your v-card haha! Study ang pinuntahan mo dito! Hahahahaha! Ay ang sarap matunaw sa hiya.

Habang tumatawa si Karl na mukhang ewan ay naisipan ko na ilabas yung phone ko at kunan siya ng picture, hmm cute!

"Ahh, stolen pala ha." Kinuha naman niya yung phone niya at mukha kaming ewan na nagtatakbohan at nag pipicture. Masaya na sana yung scene ng may kumatok.

"Sir yung mommy niyo po at kapatid andun sa baba." May kapatid si Karl?

Parang nag iba naman yung mood niya.

"Diyan ka lang."

Bumaba naman siya agad habang ako, eto tulala. Naisipan ko nalang na sumilip saglit para makita naman yung mama niya at kapatid, baka kilala ko.

"Oh anak kumusta." Saka niyakap niya si Karl, ang ganda ng mama niya, magka mukha sila.

"Deo came to see you here also." Whaaat?! Magkapatid sila ni Deo?!

Perks of being a StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon