Chapter 13

34 2 6
                                    

Grabe ang hirap ng physics! Parang babagsak yata ako neto, nako naman! Lumingon ako kay Sweet, grabe effortless lang niya sinagot yung quiz. Lumingon din ako kay Patt, ganun din! Waaah! Ayokong maiwan!

Nag dismiss na yung klase at pumunta ako sa locker ko at ipinasok ang libro ko sa physics. Mukhang babagsak yata talaga ako neto. Tsk.

Pupunta pa sana ako ng canteen ng makita ko na may papasok na teacher sa classroom namin, sumunod naman ako at umupo.

"This friday may physics olympics tayo, ipopost ko dito sa board ang mga games na sasalihan ninyo, big grades sa physics ang nag hihintay sainyo. Good luck." At nag exit yung teacher. Ang bait talaga ni Lord!

Binasa ko yung naka post, may egg catching, tug of war, paper blowing, tower building, at mummy racing. Tumingin ako kina Sweet. "Egg catching tayo hehe."

------

Natapos na ang classes at napag desisyonan namin ni Sweet na mag practice ng egg catching at isasama si Patty. "Seryoso kaba neto? Baka pumalpak tayo sa finals eh." Pag aalala ni Sweet. "Alam mo Sweet, maganda tayo at sure ako mahihiya yung itlog saten at magpapa catch yun, maniwala ka!" Hinampas naman ako ni Sweet. "Loko ka talaga, tara na nga."

Sa bahay kami ni Sweet mag prapractice, malapit naman kasi yung school namin sa kanila. Andito na kami sa bahay nina Sweet at pinabili namin si Patty ng dalawang itlog. Tama na siguro yun hehe pro catcher kaya ako.

"Ahh!" Napa anim na bili na kami ng itlog at wala parin kaming nasalo, huhu pano na? Para pa naman eto sa grades huhu.  Ah basta don't stop believing!

-----

Today is the day! Kaya namin to, aja! Pinapunta kaming lahat sa open field ng school namin, pumunta agad kami sa station kung saan igiganap yung sasalihan namin na laro. Grabe ang saya ng araw na'to!

Una pala yung tag of war, I guess last yung egg catching huhu nakaka pressure! Section pala nina Deo at Josh ang maglalaro ngayon, nako ang intense!

"1, 2, 3, Go!!" Napahiyaw ako sa intense! Grabe ang hot nilang dalawa habang nabibilad sa araw! Hay nako di ko parin mapigililan ang pagkamalandi ko sa araw na eto. "Oy egg catching na raw." Sabi ng classmate namin at pina punta kami doon sa ibang side ng field. Sayang hindi ko matatapos yung laro nila.

Pumwesto na kami ni Sweet, grabe nakaka kaba! Si Sweet yung unang tatapon, sana masalo! "Ayyy!" hindi ko nasalo! Pero hindi nag crack! Yes may chance pa! Binato ko naman eto kay Sweet, ay palpak! First pair pa naman na out. Hays. Nakakahiya.

"Okay lang yun, atleast ginalingan niyo ni Sweet." Napalingon ako sa likod ko. Omg Josh?!

A/N: Hot talaga ni Deo at Josh! Kaya ako tinatamad hahaha joke✌ pasensya rin sa typos na nakikita nyo na di ko nakikita hihi

Perks of being a StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon