#ThrowbackP*ta late na naman?! Ang lapit ng bahay namin pero suki parin ako sa guidance. Haay pang ilan naba to? 17? Ah ewan.
Kahit palagi akong nagmumura binigyan parin ako ng blessing ni papa God, yung blessing na nawawala galit mo dahil andiyan si...crush.
Kahit pala maliit etong mata ko nakakakita rin pala eto sa malayo hihi.
Sht papalapit na ako sa kaniya, ano kayang sasabihin ko? Iiwas nalang siguro ako, pero ayoko! Sayang!
Sht sht papalapit na talaga ako, ang pawis ko tumutulo na! Ngayon ko lang kase siya malalapitan, wiw wish me luck!
Okay katabi ko na siya, ano nga ba sasabihin ko? Wait! Ang ganda niya pala kapag naka sideview eh no? Ang galing kong pumili!
Okay heto na talaga!
"Hi pang ilan mo na'to?" Sht ang bobo ko!
Pero masaganda parin siya kapag naka harap, matutunaw na yata ako!
"Ah first time ko 'to hehe sige una na'ako"
Umalis kaagad? Bad breath kaya ako? Maamoy nga. Hmmm. Di naman ata ah? Ah may naisip ako!
"Oy hintay sabay na tayo!"
Mabuti nalang at huminto siya hehe thank you Lord ang ganda ng umaga ko!
Ay saya niya palang ka kwentohan ah, hindi na namin namalayan na umabot na kami sa mga classrooms namin. Nag bye naman ako at nag bye sa kaniya, tekaaaa. Ilang centuries ba kami kanina sa guidance? snack time na agad? Wow ah!
Pumasok na agad ako at dumiretso sa upoan ko.
"Oooy nakita ko kayong magkasama kaninaaa, kayo na ba? Eh pano si Lord?"
Eto na naman etong bestfriend ko na si Migz, kung mang asar dadamayin paba vocation ko? Oo, papasukin ko ang mundo ng pagpa pare. Feeling ko may calling ako eh, pero ewan ko ba bakit baliw ako kay Kring.
-----------------
Haay, papalapit na ang ball ngunit wala parin akong partner. Siyempre wala talaga akong partner, eh ginawa akong photographer ng school principal eh. Asar!
Swerte naman yung partner ni Kring, hay sana naman hindi ako favorite ng staffs ng school namin, 'bat ba kase ang gwapo ko!
Habang naglalakad sa kawalan may nakita ako.
CRUSH SPOTTED!
Matawag nga.
"Oy."
Nag smile naman siya
"Di kapa ba magprapractice?" Tanong niya
"Ah photographer nalang kase ako, may iba ka ng date eh." Tumawa naman ako para di halata
Mukhang nandiri ata, mabawi nga.
"Hehe joke lang, sige punta ka na dun, ay teka ihahatid nalang kita."
Sana gumana etong pa gentleman effect ko, di kase ako sanay kumakausap ng girls kase ang girls ang kumakausap sa akin, joke.
Di naman sa nagyayabang ako pero, ang weird kase sa lahat ng babae sa school parang si Kring lang ata ang hindi nagwagwapohan sakin, BAKIT HINDI AKO CRUSH NG CRUSH KO?
Naka abot na kami ng gym, sinabihan ko nalang siya ng goodluck dahil selos na selos ako tuwing naiisip kong iba yung partner niya sa ball.
Sana naman may chance din akong maka sayaw siya kahit sandali lang.
BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Genç KurguThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!