"Ayan naman kase kung saan nagsusuot, ayan tuloy."
Bulyaw ni mama habang tinitignan ang sugat ko sa paa, nabigla nalang siya sa pag uwi ko na may bandage na etong paa ko. Wala akong balak na sasabihin sa kaniya kung 'san nanggaling etong sugat, baka mapatay niya si Karl. Oh no!
Sinubokan kong bumangon pero ayaw ng katawan ko, sobrang sakit eh, parang naapektohan ng sugat ang buong katawan ko.
Habang nililinis ni mama yung sugat ko kinuha ko naman ang cellphone ko, baka kase- ah wala! Ano niya ako lovidobs?! Kring so feeler!
Sa ilang minuto naming pag aaway ni mama dahil ayaw kong magpalagay ng alcohol sa sugat ko, may bumosina sa labas. Napa tingin si mama sa labas ng bintana.
"Oh yung palaging naghahatid sa'yo andito."
"Huh?!"
Napatingin naman ako sa labas ng bintana
Oh my!
Pinilit kong makalakad para puntahan eto sa labas, but first ayokong magmukhang disabled no! Kaya't hindi na ako nagpatulong kay mama at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pagbukas ko ng pinto hindi na kinayanan ng mga paa ko ang sakit at natumba ako, grabe ganito ba talaga eto kalala? Tumakbo naman si mama papunta sakin at si Karl. Binuhat naman nila ako at pinaupon, omg nakaka turn off talaga 'to.
"Oh 'bat napadpad ka rito?" Tanong ko kay Karl
"I just wanted to check if you're okay, here i bought you these." Sabay bigay ng icecream
"Uhm kukuha muna ako ng juice, thank you pala iho sa pag bisita." Sabay exit ni mama, halatang awkward na talaga.
Nag smile naman si Karl kay mama.
"Masakit pa ba?" Tanong niya habang tinitignan ang sugat.
"Medyo, promise makakalakad na ako bukas so don't worry." Sabay wink. Hay nako from stalker to patient, swerte ko talaga!
"Hindi makakatulong 'yang pagka pilya mo, dito ka lang ha I'll help your mom." Sabay alis
"Oy wag-"
Wala na, andun na sa kusina. Tsk
Matapos ng ilang minutong paghihintay sa kanila, sa wakas! Andiyan na rin yung snacks! Teka ang odd naman neto, nagtatawanan sila ni mama. Omg is he flirting my mom?! Oh no daddy si mama oh!
Hindi ko alam kung may topak ba ako pero na cucurios lang talaga ako sa kanila, ano kaya ang pinag-usapan nila? Hmm
"Anak napaka kulit mo pala sa school. Nako kung hindi lang isinumbong ni Karl saken ang pinag gagagawa mo baka wala talaga akong alam sa ginagawa mo sa school." Tapos inilagay na niya sa mesa ang snacks.
Bwesit talaga etong si Karl, sana naman hindi niya sasabihin kang mama kung anong kababalaghang nangyari samin noon.
Nag smile naman ako kang mama na parang guilty tapos tinignan si Karl na parang papatayin ko na siya.
Napansin naman agad ako ni Karl at nagbigay lang siya ng wicked smile sakin, hindi ko alam kung matutunaw ba ako o magagalit sa pinagsasabi niya kay mama.
Matapos ng 3 oras na pag chichismisan nila ni Karl
ay napag pasyahan naman ni mama na pauwiin eto, salamat naman!Nag babye naman agad ako kay Karl at nag thank you at ganun din siya samin, haay sana di ako pagalitan ni mama.
Sinundan naman namin ng tingin si Karl hanggang sa pumasok na siya sa kaniyang sasakyan at umalis. What a day! Ngayon lang ako napagod sa ka-ka upo.
"Jowain mo na kase."
Nabigla naman ako sa sinabi ni mama, ano?! Jowain?!
"Ma naman, dapat pa demure."
Napaka sweet naman yata niya upang pumunta dito at kausapin si mama, di kaya't pamamanhikan na eto? Oh my!
-------------------
A/N: Oh my talaga sa pag uupdate ng alas dos ng umaga. Have a good day lovies!

BINABASA MO ANG
Perks of being a Stalker
Teen FictionThis story is composed out of the author's imagination. Hahayaan mo nalang ba na makita yung crush mo na masaya sa iba? Enjoy!