Chapter 15

343 29 87
                                    

Unexpected things do really happen,
when you truly least expect it.

Chapter 15: Am I dreaming?




Ganito ba talaga ang nangyayari?

  Kung kailan ka iiwas, don ka naman paglalaruan ng pagkakataon.

  Kagaya kanina pagpunta kong kusina ay nakita ko si Jeremiah na nagluluto.

  Nang nakita niya ako ay binati niya ako ng good morning. Sa gulat ko ay nabati ko na lang din siya.

  Gusto ko sana siyang tanungin kung asan si Yaya Annie kaso siya na nagsabi na nag-text daw si Yaya na may sakit daw yung bunso niyang anak kaya di siya nakapunta.

  Iiwas na sana ako at mamaya na lang kakain kaso tinawag niya ako, kaya sumabay na lang ako. Nang maupo ako ay napansing kong mukhang may sasabihin siya. Kaya ang ginawa ko ay tumayo at pinagtimpla siya ng kape.

  Throughout our breakfast kanina ay hindi kami nag-usap kaya ang awkward.

  Napailing na lang ako habang nagwawalis dito sa bakuran. Basta ang tamihik kanina, yung tipong ang maririnig mo lang ay ang paglapat ng kutsara't tinidor sa plato.

  Nang mapansin kung medyo mainit na ay  nagdesisyon na akong pumasok sa loob. Pagpasok ko ay napahawak ako noo ko dahil nauntog ako sa pader.

Teka pader?

Pintuan?

Nang inangat ko ang aking mukha ay nakakita ako ng nipples.

Ano raw?

Nipples?

Nanlaki ang mata ko.

  Dahan-dahan ko uling inangat pa ang aking mukha.

Tangina

  Isang nakangising Jeremiah Chu ang nakayukong nakatingin sa akin.

  Parang nahilo akong bigla ng maalala kong nakahubad siya tapos nakangisi pa.

  Iiwas na nga diba? Pero bakit pinapakitaan ako ng nakahubad na Chu ngayon?

Naku, naku!

  Nang maalala ko ang pwesto namin agad akong umatras, at dumaan sa gilid niya at diretsong pumaroon sa kwarto ko.

I sighed in frustration.

 

  Pabalik-balik at pinipilit ko pang itinatatak sa isip kong tama na at iiwas na, kaso itsura talaga ng Chu na 'yon na nakangisi slash nakahubad pa ang naiisip ko.

  Tangina talaga! paano na ako makakamove-on nito.

  Nang sumapit ang 12:30pm ay lumabas na ako. Dala-dala ang towel at mga gagamitin ko sa pag-ligo.

  Saktong pagsara ko ng pinto ay may narinig akong nagsalita sa likod ko kaya't hinarap ko siya.

"San ka pupunta?" kunot-noong tanong ni Miah.

"Ano, maliligo ako."

"Maliligo? Didn't you have your own CR in your room?" he asked.

"Ay oo, pero don ako maliligo sa labas. Doon sa may poso." sagot ko sa kanya. Nong nakaraan ay nakita ko si Yaya na nagpoposo para idilig sa mga bulaklak sa harap ng bahay.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now