Chapter 25

143 26 21
                                    


After what happened, I'm still glad.




Chapter 25: At least right?

Tumambay pa ako ng mga ilang oras kina Jacob at pinilit na iniwakli sa isipan ang mga nakita ko kanina. Kaso kahit anong gawin ko hindi talaga mawala-wala ang sakit na nararamdaman ko.

Mga 5:30 pm ay umuwi na 'ko, ihahatid pa sana ako ni Jacob kaso hinindian ko na lang siya kasi mas dumami pa ang costumers nila.

Kinakabahan pa ako habang nakasakay sa tricycle, ewan ko ba kung bakit. Pero siguro natatakot ako, natatakot na baka hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-uwi si Rem.

Pagkarating ko sa bahay, ay nanginginig ko pang binubuksan ang pinto.

Umaasa na sana talaga, nakauwi na si Rem.

"Rem?" mahinang tawag ko.

"Rem!?"

Ilang ulit ko pang ginawa yun ngunit wala talagang sumagot. Pumunta ako sa taas at kinatok ang pinto ng kwarto niya.

"Rem?" paulit-ulit ko pa siyang tinawag kaso wala talaga.

Bumalik na lamang ako sa sala at umupo sa sofa. Haysss sakit talaga n----

"Ma'am Joe?" napalingon ako sa likuran ko ng marinig kong may tumawag sa akin.

"Ya Annie! Ikaw po pala!" sabi ko ng makita ko siya.

"Ay Ma'am! narinig ko po kasing tinatawag niyo si Sir."

"Nandito na po ba si Rem- I mean si Miah, Yaya?"

"Wala pa po nga Ma'am eh."

"Ah, sige po Yaya thank you."

"Pero tumawag po siya sa akin kanina, tinanong kong nasaan ka. Kaso sabi ko sa kanya na mukhang umalis ka."

"Talaga po ba Yaya? Mga anong oras po?"

"Parang mga quarter to four po."

Napatango na lang ako sa sinabi ni Yaya. Mga 4pm? Bakit kaya siya tumawag? ano kaya dapat sasabihin niya kung hindi ako umalis?

Haysssss

O baka..

Sasabihin niya sigurong sorry.

Sorry kasi hindi na talaga kami matutuloy.

Kasi naging busy siya kay Kiarra.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Tan--

"Sige po Ma'am, aalis na po muna ako."

"Sige yaya, thank you po." sabi ko kay yaya at tipid siyang nginitian.




**********************





Hinintay ko si Rem.

Naghintay ako.

Umaasa na sana uuwi na siya.

Pero... umabot na lang ng 10pm pero wala pa rin siya.

Pabalik-balik pa ako sa sala at sa kwarto ko kanina. Kasi gusto kong makita ang pagdating niya.

Kaso napagod na ako kakahintay, dinalaw na rin ako ng antok kaya'y pumasok na lang ako sa kwarto ko at humiga na sa kama.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at inopen ang wifi para mag facebook.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now